MANILA, Philippines — Maaari nga bang mabuo ang pagkakaibigan ng dalawang nilalang mula sa magkasalungat na panig ng digmaan? Ano ang kaya nilang i-sakripisyo para mamayani ang pagkakaisa at kapayapaan?
Tunghayan ngayong Sabado ang kakaibang kuwento nina Commander Binjihad, leader ng isang rebeldeng grupo, at Sgt. Tony Casilis, isang Marines officer, na nagawang iligtas ang buhay ng isa’t-isa sa gitna ng madugong digmaan. Pinatunayan nilang maaaring makamit ang tunay na kapayapaan sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang idelohiya at pinaniniwalaan.
Sa pangunguna nina Kapuso actors John Estrada at Rayver Cruz, tunghayan ang isa na namang totoong kuwento ng mga totoong tao na aantig sa inyong mga puso.
Ang Sagip Buhay Ng Kaaway: The Sultan Binjihad Guro and Sgt. Antonio Casilis Story ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Dominic Zapata, mula sa panulat ni Loi Nova, at pananaliksik ni Rodney Junio.
Mapapanood ngayong Sabado, November 16, 8:30 ng gabi, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman.