Naging kontrobersyal ang pag-walkout at hindi pagkanta ni Morissette Amon sa isang concert noong isang linggo. Humingi naman ng paumanhin ang singer sa mga taong naapektuhan sa nasabing insidente sa social media. Nagbigay ng reaksyon tungkol sa isyu si Vina Morales na isa ring singer at Bisaya na katulad ni Morissette. “It’s sad na gano’n ang naging sitwasyon at naba-bash din siya, it’s really sad. And also sad din ako sa producer na ‘yung expectations nila hindi nagawa. Mahirap din talaga mag-comment diyan but ako kasi sa napagdaanan ko, sa pagmamahal ko sa trabaho, you really just have to be professional kahit pa anong problema. Ako rin naman dumaan ako sa maraming problema, my God, before the shows umiiyak pa ako, pero umaakyat pa rin ako ng stage kasi kailangan,” pahayag ni Vina.
Hinding-hindi makalilimutan ng singer ang mga panahong ipinagbubuntis ang anak pero kinailangan pa ring magtanghal sa entablado. “I did my concert. I was three months pregnant and nag-i-spotting ako, medicine lang ang iniinom ko pero meron akong kontrata to do a concert with Kuh Ledesma, US tour ‘yon. Wala akong magawa, I have to do it, pero dapat bed ridden ako no’n kasi kailangan nag-i-spotting nga ako but I have no choice kasi nga may kontrata ako, ‘yung expectations ng producers, ng mga tao,” pagdedetalye pa ng singer.
Para kay Vina ay kinakailangang maging propesyunal ang isang artista o singer lalo na kung mayroong obligasyon sa mga tao. “Sa any work, any business para mag-work out or para mas tumagal ka especially sa show business, you just have to be professional and just love your work. Ang iba nga namamatayan kumakanta pa rin. The show must go on. I think that’s the best quote sa show business ha. Pinagdadaanan naman ng lahat ‘yan pero kailangan mo lang talagang maging propesyonal,” paglalahad niya.
Jason, nakipaghatawan ng sayaw kay Sarah
Noong isang Linggo ay humataw si Jason Dy sa pagsasayaw kasama si Sarah Geronimo at ang Team Sarah sa The Voice Kids victory party.
Matatandaang naging produkto rin si Jason ng The Voice mula sa Team Sarah. “Paalis na yata si Sarah noon eh medyo late na, uwian na. Tapos pinatugtog ng DJ ‘yung ‘Tala’ tapos hinila namin si Sarah. Sabi namin, ‘Ops, ops sayaw muna, gano’n. Nasayaw na kasi namin dati kaya alam pa namin ang steps. So ayun, nagkasayawan. ‘Yung mga iba sinabi nagulat sila. Di nila ini-expect na sumasayaw pala ako. Actually no’ng high school pa di pa ako kumakanta, dancer na po talaga ako,” kuwento ni Jason.
May mga pagkakataong nakararanas nang pamba-bash ang singer kapag nagsasayaw pero hindi na lamang umano nagpapaapekto si Jason dito. “Okay lang, bahala sila sa buhay nila pero ayun, katuwaan lang naman po. Sayaw-sayaw lang kami,” natatawang pagtatapos ng binata.
(Reports from JCC)