Maiingay na pinoy sinisisi sa pagkatalo ni Patch magtanong sa Miss International
OA ang mga analysis sa social media sa pagkatalo ni Atty. Patch Magtanong sa Miss International 2019 kahapon na napanood ng live sa YouTube.
Pero ang isang nakakatawa ay ‘yung comment na nairita raw kasi ang judges sa sobrang ingay ng mga Pinoy na nanood sa Tokyo Dome kaya hanggang Top 8 lang ang pambato ng Pilipinas.
Si Miss Thailand ang kinoronahang Miss International 2019.
Maraming umasa na magiging seventh Filipina si Atty. Patch na hahawak ng korona sa Miss International lalo na nga’t ang ganda ng speech niya sa theme ng pageant na “Cheer All Women.”
“When I was younger, I found it strange that I was subjected to different standards as other boys my age. When I got older and even more so when I became a lawyer, I began to question these standards and challenge them.
“Why should women live in fear of harassment, violence, and discrimination when basic human decency calls for respect, tolerance, and compassion? To cheer all women means to support all women regardless of the race, religion, or background, but not only these – it also means, to remove all the barriers that prevent women (from reaching) their full potential.
“Miss International does this by fostering a global culture of women empowerment and gender equality, and through this platform we can ensure that no woman anytime and anywhere is left behind.”
Ang aabangan ngayon ay ang magiging kapalaran ng representative ng bansa sa Miss Universe 2019 sa December 8, 2019 at Tyler Perry Studios in Atlanta, Georgia. Si Gazini Ganados ang representative natin.
By the way, isa pang joke na nagwagi kahapon sa Miss International sa Tokyo, Japan ay ang interpreter na kasabay ni Kylie Versoza (Miss International 2016) sa nag-i-interview sa Top 8. Backstage correspondent si Kylie at sobrang umaagaw ng eksena ang boses ng nasabing interpreter.
Anyway, ‘di man nakapag-uwi ng korona si Atty. Patch, abogada naman siya kaya kahit anong mangyari wala siyang talo.
- Latest