Two Love You… nakaka-touch
MANILA, Philippines — I’m sure, maraming susugod na mga member ng gay community sa mga sinehan tomorrow para suportahan ang pelikulang Two Love You.
Nakakatawa, nakakaiyak, touching, at nakaka-good vibes ang kuwento ng Two Love You na inspired sa buhay ng radio host / talent manager / showbiz columnist na si Ogie Diaz ng pelikula na Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Siyempre may lesson ka rin makukuha sa pelikulang pinagbidahan nina Yen Santos and Lassy Marquez with Kid Yambao, Lilieyen Santos, Arlene Muhlach, MC Calaquin, Dyosa Pockoh and Elaine Yu (daughter of Atong Ang).
Produced ito by OgieD Productions, Inc. and Lonewolf Film Productions and written by Ogie Diaz, Carlo Ventura and Benedict Mique. Directed by Benedict Mique (of Cinemalaya’s ML.)
By the way, suportado ni Gretchen Barretto ang premiere night ng movie the other night na diumano’y sponsor niya si Mr. Ang bilang starring nga sa movie ang daughter ng kontrobersiyal na negosyante.
- Latest