Jasmine feel na ang pagiging tita
Ang shoutout ni Jasmine Curtis-Smith sa Twitter na “When a door closes, a huge one opens. IMAAGANNABEATTAAAA,” na ang ibig sabihin, magiging tita na siya dahil buntis na nga ang ate niyang si Anne Curtis-Smith.
Sinagot ni Anne ang shoutout ni Jasmine ng “Congrats tita jas,” at ang nakakatuwa, naki-tita Jas din ang followers ni Jasmine sa Twitter, “Tita Jas” na ang tawag sa kanya. May tumawag pa sa kanyang “Tita Gwapa” at inunahan na si Jasmine na she will be the best tita.
Maganda ring basahin ang iba pang reaction at comments sa pagbubuntis ni Anne, gaya ng comment ni Nico Bolzico na “Please have a boy so he can take care of our baby girl when they go out,” dahil baby girl ang ipinagbubuntis ni Solenn Heussaff na hipag ni Anne.
Samantala, bagay sa pinost na video nina Erwan at Anne ang ginamit na song sa video announcement that they are pregnant. Ito ay ang song na Nothing’s Gonna Hurt You Baby ng banda na Cigarettes After Sex.
Ang sagot ni Anne sa overwhelming reaction sa kanyang pagbubuntis ay “Thank you everyone for the overflowing love for myself, Erwan and the little one.”
Kapatid ni Matteo mauuna ang kasal
Nakaka-touch ang photos na pinost ni Gary Valenciano kasama si Sarah Geronimo na binati niya sa engagement nila ni Matteo Guidicelli, ang picture na tiningnan niya ang suot na engagement ring ni Sarah at ang last photo na itinapat ni Gary sa puso niya ang left palm ni Sarah.
Post ni Gary: “No I didn’t appear on ASAP NATIN ‘TO today but I did go after to shoot for our Christmas Station ID. It was then that I saw and approached @justsarahgph to see her ring and congratulate her. What a precious precious soul this girl is. We will always be around for you both Sarah. You’ve grown up to become a fine young woman. We love you dearly. Our prayers are with you both.”
May fans si Sarah na hindi pa rin makapaniwala na engaged na sila ni Matteo at ikakasal na. Mauuna lang ikasal ang elder sister ni Matteo this year na dahil nagkaroon na ito ng bridal shower. Ibig sabihin nito, next year na ang kasal nina Matteo at Sarah, ito ay kung naniniwala ang families ng engaged couple na hindi maganda ang sukob na kasal ng magkapatid.
Ken makakasama si Mahal
Hindi namin masyadong narinig ang sagot ni Ken Chan kung ano ang role ni Mahal na guest sa One of the Baes dahil nasa presscon/launching kami nang pagiging endorser ni Ken at ng iba pang Kapuso artists ng Skin Care Line ng Beautederm. May mga kasabay kaming nag-interview kay Ken, kaya hindi namin naintindihan ang sinabi niya, para na ring si Mahal ang kausap namin.
Samantala nabanggit ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, President and CEO of Beautederm Corporation, isa sa mga rason kung bakit kinuha niyang endorser si Ken dahil mahal nito ang pamilya, breadwinner at masipag. Hindi biro ang ipagamot ang ama na nagkaroon ng cancer at ngayon, kasama pa sa sinusuportahan niya ay ang unang pamangkin na anak ng kapatid niyang lalaki.
Anyway, mahirap ang gustong mangyari nina Ken at Rita Daniela na gusto sana nila, forever na silang magka-love team. Paano naman ang project na hindi babagay sa kanila ang role?
Ogie nagpasalamat sa B
Congrats kina Ogie Diaz at director Benedict Miqui, producers ng Two Love You dahil graded B ng CEB ang nasabing pelikula na showing na simula bukas, November 13.
Sabi ni Ogie, “Ibig sabihin, maganda! Paiiyakin, patatawanin at papa-realize sayo na masarap magmahal at mahalin!”
Tampok sa pelikula ang triangle nina Lassy Marquez, Kid Yambao at Yen Santos.
- Latest