“The film hasn’t been submitted for review and classification therefore we cannot make any comments yet until we see the film in its entirety,” sagot ni Movie and Television Review and Classification (MTRCB) Chairperson Rachel Arenas tungkol sa trailer ng Spanish produced movie na Elcano and Magellan: The First Voyage Around the World animated film na ipalalabas sa bansa next year.
Lumabas diumanong kontrabida sa pelikula ang Visayan hero na si Lapu Lapu at bumida sa kuwento si Ferdinand Magellan at Juan Sebastian Elcano.
Teka kilala pa kaya ng mga millenial si Lapu Lapu?
Nag-worry ang mga nakapanood ng trailer na baka maiba ang impression ng mga manonood sa pelikula sa totoong character ni Lapu Lapu sa history ng ating bansa.
Kung mapo-prove kayang inaccurate ang character ni Lapu Lapu sa nasabing pelikula, may chance din kaya na ma-ban ito sa bansa tulad sa nangyari sa pelikulang Abominable?