^

PSN Showbiz

Babaeng personalidad na tumatanda, nagbawas na ng tantrums sa buhay

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung ganda ang pag-uusapan ay walang magsasabing kapos sa mga katangian ang isang kilalang female personality. Sa lahat ng anggulo ay walang mali sa kanyang mukha.

May kuwentong nagpa-nose job ang babaeng personalidad, pero bu­magay sa kanya ‘yun, impernes. Maganda talaga siya, literal na maganda, kaya kahit pa nagkakaedad na siya ay maraming kabataan pa rin ang humahanga sa kanya.

Pero kuwento ng aming source, “Pero malakas ang tantrums ng babaeng ‘yun! Kung gaano siya kaganda, ganu’n din katindi ang sumpong niya!

“Naalala pa namin ang minsang pagkuha sa kanya ng isang ahensiya para maging endorser ng isang produkto. Matagal na ito, nakilala siya sa TVC na ‘yun, pero kumustahin n’yo naman ang dugong umagos sa mga nakatrabaho niya!

“Grabe! Dinugo ang mga katrabaho niya dahil sa kanyang kaartehan at tantrums! Limited lang ang oras nila sa venue, may susunod pang gagamit du’n, pero sobrang oras ang nakain nila dahil sa kaartehan ng babaeng ‘yun!

“Shoot na, umpisa na sila sa trabaho, pero ayaw niya pang lumabas ng dressing room. Gasgas na ang shoes ng coordinator sa pagbabalik-balik sa kanya para lumabas na siya, pero ayaw pa rin!

“May binabasa siyang nobela, hindi niya mabitiw-bitiwan ang pocket book, nasa highlight na raw kasi siya at kapag itinigil niya ang pagbabasa, e, mabibitin siya! Nakakaloka siya, di ba naman? Dinugo ang mga katrabaho niya!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Hanggang ngayon ay lutang na lutang pa rin ang kaartehan ng female personality, pero medyo nabawasan na, naalarma na rin siya na tumatanda na siya at baka mawalan na siya ng career kapag ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang sumpong at kaartehan.

Sabi uli ng aming source, “Kakambal na niya ang kaartehan ng female personality, pero medyo nabawasan na, naalarma na rin siya na tumatanda na siya at baka mawalan na siya ng career kapag ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang sumpong at kaartehan.

Sabi uli ng aming source, “Kakambal na niya ang kaartehan, ang sumpong niya na wala namang dahilan, pero medyo nabawas-bawasan na ‘yun! Medyo nakikinig na siya ngayon, marunong na siyang makisama.

“E, kahit nga sa mga serye, e, pinapatay na lang ang role niya nu’n dahil mahirap siyang katrabaho, di ba? Ang sigaw ng mga naiinis sa kanyang kalokahan, tumira na lang siya sa wonderland!

“Walang makikialam sa kanya du’n!” pagtatapos ng aming impormanteng nakataas ang kilay.

Ubos!

Leah Navarro ipinahamak ang sarili sa ‘retribution’

Idineklarang persona non grata ng mga taga-General Santos City si Leah Navarro. Ibig sabihi’y puwede siyang magpunta sa lahat ng lugar sa ating bansa pero hindi siya maaaring papa­sukin sa nasasakupan ng GenSan.

Nagkomento kasi ang singer na kaya madalas na nililindol ang Min­danao na nakasasakop sa GenSan ay dahil isang retribution ang kaganapan. Ibig sabihin ay karma ‘yun, paghihiganti ng kalikasan sa Mindanao, na inalmahan siyempre ng mga tagaroon.

Kilalang Dilawan si Leah Navarro, kalaban ng kanyang grupo si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na anak ng Minadnao (Davao), maaaring du’n nag-ugat ang pagngangalit sa kanya ng mga taga-GenSan.

Natural lang na masaktan ang mga mamamayan ng GenSan, ano naman ang kanilang kasalanan at kinalaman sa paglalaban-laban ng mga paksiyon ng pulitiko sa ating bayan, bakit kailangang madamay ang lahat ng mga taga-Mindanao sa pagpipingkian nila ng paninindigan?

Binura na ni Leah Navarro ang kanyang post at humingi na siya ng dispensa sa mga nasaktan pero sarado pa rin ang isip at puso para sa kanya ng mga taga-GenSan.

Idineklara pa rin siyang persona non grata, sarado pa rin ang lahat ng pasukan (himpapawid, tubig, kalsada) ng General Santos City para sa singer, pinaliit ni Leah Navarro ang kanyang mundo.

Pastor ibang klase ang ‘ilusyon’

Parang si Pastor Apollo Quiboloy rin na hinamon ni Vice Ganda na pahintuin ang pesteng trapik sa EDSA. May katapat na rin daw si Cardo Dalisay dahil kung ipinagmamayabang ng pastor na napahinto nito ang lindol sa Mindanao ay bakit hindi nito subuking ipatigil ang seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin?

Ibang klase rin naman kasi ang pastor na ito, hibang na hibang, sukat ba namang ipagmalaki-ipagmayabang ng taong ito ang pagpapatigil sa lindol?

Stop lang daw ang kanyang sinabi at tumigil na ang lindol kaya dapat lang magpasalamat sa kanya ang mga taga-Min­danao!

Juice colored!

LEAH NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with