Bubble Gang laging may bagong putahe
Parang naiinggit ako sa tuwing nagse-celebrate ng anniversary ang Bubble Gang, ang longest running comedy/gag show, hindi lang ng GMA 7 kundi sa buong Pilipinas.
Nakakaiinggit dahil sabay na ni-launch noong 1995 sa Ciudad Fernandina sa Greenhills, San Juan ang Bubble Gang at ang Startalk. At the time, sina Boy Abunda at Kris Aquino pa ang mga co-host ko hanggang ako na lang ang natira sa original cast ng aming showbiz talk show.
Ipagdiriwang ng Bubble Gang cast ang kanilang 24th anniversary habang apat na taon nang wala ang Startalk.
Ang galing naman kasi ng evolution at mga pagbabago na ginagawa nina Michael V. and company sa Bubble Gang na hindi nawawalan ng mga bagong putahe, laging may mga comedy situation na very ‘IN’ sa panahon, at talagang hindi tinitipid ang mga eksena.
Maganda rin ang chemistry ng cast na kahit halo-halo ang mga talent pero may blending sila kaya hindi nakakasawa, laging bago ang napapanood ng televiewers.
Congratulations sa Bubble Gang cast at kudos kay Michael V. ang utak ng show.
Weightlifting Fairy at Reply 1988 nakaka-good vibes
Dalawang feel good Koreanovela ang pinapanood ko kapag bored o sad ako Salve, ang Weightlifting Fairy at Reply 1988.
Parang trip down memory lane ang effect sa akin ng mga nabanggit na Koreanovela, ang lahat ng mga kagagahan ko noong bata pa ako sa neighborhood namin sa Lardizabal St. at ang mga kapilyahan ko sa V. Mapa High School sa Sampaloc, Manila.
Nakaka-relate ako sa mga eksena ng closeness ng mga kapitbahay, ang closeness ng mga classmates, young romance at crush na talagang parang back-to-childhood ang feeling ko.
Halos memorized ko na nga lahat ang lines at mga eksena ng Weightlifting Fairy at Reply 1988.
May mga pelikula at television show na talagang nagpapaalaala sa atin sa nakaraan, you lost yourself into it while watching.
Parang isang senaryo na nakita at naranasan na natin. Hay, buti na lang na-discover ko ang Weightlifting Fairy at Reply 1988 dahil malaking tulong ito sa moments na down ako or bored na bored.
Dra. Vicki at Isko tumulong din
Two million pesos ang ibinayad ni Dra. Vicki Belo kay Isko Moreno bilang celebrity endorser ng Thermage pero ang mga kababayan natin sa Cotabato na biktima ng lindol ang makikinabang sa talent fee ng mayor ng Maynila.
I’m sure, hindi nanghinayang si Vicki na bayaran si Isko ng dalawang milyong piso dahil libu-libong earthquake victims ang makikinabang sa pera na kusang-loob na donasyon ng actor-turned-politician.
Natawa ako sa sinabi ni Isko na magandang-maganda si Vicki at may asim pa. Hindi nagbibiro si Isko dahil true naman na may asim pa ang founder ng Belo Medical Clinic na tulad niya eh generous at matulungin sa kapwa.
Ang offer sa kanya ni Vicki na maging endorser ng Thermage procedure ang sagot sa dasal ni Isko na magkaroon ito ng pera na ibibigay niya sa mga nasalanta ng malakas at sunod-sunod ng lindol sa Mindanao.
May their tribe increase ang wish natin kina Isko at Vicki na kaligayahan na ang tumulong sa mga nangangailangan.
- Latest