Bumalik sa Pilipinas ang dating ST (sex trip coined by the late Oskee Salazar) star na si Priscilla Almeda (Abby Viduya) matapos itong mawala sa bansa sa loob ng 15 taon. For a while, nabalitaan namin itong nasa Japan at nagtatrabaho sa mga club doon and the next thing we learned ay nagtungo ito ng Alberta, Canada kung saan siya tumagal at nagkaroon ng tatlong anak.
Ang dating child actor na si Jaypee de Guzman ang unang nagbalita sa amin sa pagbabalik ni Abby.
Since wala na umano sina Abby at ng kanyang dating partner, iniwan ni Abby ang kanyang mga anak sa kanyang magulang sa Canada para muling subukan ang kanyang pagbabalik-showbiz sa tulong ng kanyang bagong manager na si Daddy Wowie. Kapag settled na umano siya sa Pilipinas ay saka niya pasusunurin sa Pilipinas ang kanyang mga anak na ang panganay ay 18 yrs. old.
Natutuwa si Abby or Priscilla na aktibo pa rin sa showbiz ang marami sa kanyang dating mga kasamahan at umaasa siya na muli siyang mabibigyan ng panibagong pagkakataong makapagtrabahong muli sa industriya na kanyang pinagmulan at kung saan siya nakilala ng publiko.
Kuya Germs nakadikit ang pangalan kay Yorme
Ang actor-politician na si Francisco Moreno Domagoso na mas kilala as Isko Moreno ay pang-27th mayor ng Maynila na kanyang pinagsilbihan as councilor at vice mayor ng ilang termino. Hindi man siya pinalad na makalusot bilang senador nung siya’y tumakbo in 2016, muli niyang binalikan ang kanyang paglilingkod sa Maynila bilang mayor sa nakaraang May 2019 elections.
Sa kanyang mahigit apat na buwan magmula nang siya’y umupo bilang mayor ng Maynila, marami ang ginulat ni Isko dahil sa maraming pagbabago sa lungsod.
Maging ang kanyang mga kasamahan sa showbiz ay sobrang proud sa kanya.
Siguradong proud din kay Mayor Isko si Presidente Rodrigo “Digong” Duterte dahil sa mga papuring natatanggap nito. Sayang nga lamang at hindi na inabutan ng namayapang star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno ang pag-upo nito bilang mayor. Isa marahil si Kuya Germs sa pinaka-proud sa kanyang anak-anakan noon sa That’s Entertainment.
Si Isko ay isang magandang ehemplo ng mga kabataan noon na sa kabila ng kahirapan ay nagsikap para mabago ang takbo ng buhay ng kanyang pamilya.
Ang dating namumulot lamang ng basura at mga tirang pagkain sa basurahan noon ay malayo na ang narating.
Si Isko ay nineteen years nang kasal sa kanyang non-showbiz wife na si Diana Lynn Ditan at nabiyayaan sila ng limang anak. Ang kanilang panganay na anak na si Joaquin Domagoso (18) ay pumasok na rin sa showbiz.
Samantala, ang talent fee mula sa tatlong magkakaibang endorsements ni Isko ay hindi sa sariling bulsa o sa pamilya niya mapupunta kundi sa pagtulong sa kapwa. Ang unang endorsement ay inilaan niya para sa mga batang maysakit sa Philippine General Hospital habang ang P5-M ay mapupunta sa mga biktima ng kalamidad ng lindol sa Cotabato at iba pang bahagi ng Mindanao.