^

PSN Showbiz

Jinggoy hindi nalilimutan na dumalaw kay Daboy!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy hindi nalilimutan na dumalaw kay Daboy!
Jinggoy

Sa kabila ng pabugso-bugso na ulan, marami pa rin ang mga tao na pumunta sa sementeryo noong Biyernes, November 1.

Ipinakita sa mga television news program ang parang mga langgam na pagbuhos ng mga bata, matatanda at pami-pamilya sa mga sementeryo at memorial parks na pagpapatunay na we honor our dead and we never forget them na isa sa magagandang traits ng mga Pilipino.

Pero gusto ko talaga ang manner ng pamamaalam nina Douglas Quijano, Alfie Lorenzo at Isah Red, mga quiet death na natulog lang sila, hindi namatay dahil sa aksidente, sakit at lungkot.

Si Alfie, binawian ng buhay sa lugar na masaya siya, sa Solaire Resort and Casino, si Isah in his room at si Douglas, sa resthouse na ipinatayo niya sa Lucban, Quezon.

God is really good to them, in their restful sleep, no pain at hindi accident ang ikinamatay nila.

Sabi ko nga, when people remember you with fondness and smile, ito na ang pinakamaganda na bagay na naiwan o legacy mo, ang happy memories.

Personal naman na pinuntahan ni Jinggoy Estrada ang puntod ni Rudy Fernandez sa Heritage Park noong All Saints Day.

Good friends as in very very good friends ang dalawa kaya kahit sumakabilang-buhay na si Daboy, hindi nakakalimot si Jinggoy.

Tuwing kaarawan ni Daboy at kapag All Saints Day, hindi nakakaligtaan ni Jinggoy na bumisita sa resting place sa Heritage Park ng kanyang BFF.

Noong nakakulong si Jinggoy sa PNP Custodial Center ng Camp Crame, hindi siya nakakalimot na magpadala ng mga bulaklak sa puntod ni Daboy. Ganyan kamahal ni Jinggoy si Daboy bilang kaibigan.

Noong nabubuhay pa si Daboy, kahit busy siya, araw-araw niya na dinadalaw si Jinggoy noong nakakulong ito sa Veteran Memorial Medical Center dahil magkapatid at hindi basta magkaibigan ang turing nila sa isa’t-isa.

Agimat ni Ramon Revilla tumalab na naman!

Nagpapasalamat si Senator Bong Revilla sa lahat ng mga nagdasal para sa paggaling ng kanyang ama na si former Senator Ramon Revilla.

Na-confine si Mang Ramon sa ospital bago ginunita ang All Saints Day kaya humiling si Bong ng prayers para sa kanyang ama.

Kahapon, tuwang-tuwa na ibinalita ni Bong na maayos na uli ang kalagayan ni Mang Ramon. Nagbiro nga si Bong na umiral na naman ang pagkakaroon ng agimat ng daddy niya na nalalampasan ang lahat ng health crisis na pinagdaanan.

May mga nagtatanong nga pala kung kailan muling mapapanood si Bong sa pelikula o telebisyon dahil nami-miss na siya ng kanyang loyal fans at supporters.

Wala nang dapat ikainip ang fans dahil malay n’yo, nalalapit na ang pagbabalik-telebisyon ni Bong pero siyempre, maghintay-hintay na lang tayo sa good news.

Bago siya nakulong sa PNP Custodial Center noong June 20, 2014, solid Kapuso si Bong at kung sakaling magi­ging active uli siya sa TV, sure ako na pipiliin pa rin ni Bong ang GMA-7 na itinuturing niya na second home.

Hindi lamang ang fans ni Bong ang excited dahil gustong-gusto na rin niya na balikan ang pag-arte pero tulad ng kanyang campaign promise, ang mga responsibilidad bilang re-elected senator ang priority ni Bong bilang pasasalamat sa lahat ng mga nagbalik sa kanya sa senado.

JINGGOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with