Todo parinig sa cheating Neri ‘naniwala’ sa making out nina Bubbles at Chito?!

Neri

Marami ang naintriga sa post ni Neri Naig kahapon na tumatalakay tungkol sa pagtataksil.

May ipinost muna siya na mensaheng ipinadala sa kanya na nakita raw niyang nagmi-make out sina Bubbles Paraiso at ang asawa niyang si Chito Miranda.

Pero ang alam daw niya magkaibigan naman ang dalawa, at nakita raw niya sa IG post ni Chito na kinu-congratulate daw si Bubbles, kaya talo raw siya.

Nagkasama sila sa Halloween party na kung saan nandun din si Angel Locsin pati ang fiancé niyang si Neil Arce, at ang kapatid ni Bubbles na si Paolo Paraiso.

Mahaba ang caption dun ni Neri na nagpaliwanag na never niyang lagyan ng malisya ang closeness ng asawa niya kina Bubbles at Angel dahil talagang magkakaibigan daw sila.

Hindi raw niya pinagbabawalan si Chito na makipagkaibigan sa mga babae, lalo na’t secured naman daw siya sa kanyang sarili.

Doon na rin niya binanggit na meron siyang vlog tungkol sa pagtsi-cheat ng isang lalaki, featuring si Chito.

“Pero maganda rin etong topic na may mga close friends o best friends na mga babae and bf o asawa mo. Paano mo malaman na magkaibigan lang talaga sila.”

Sa post na iyun ay nag-react na rin si Bubbles na ang kapatid niyang si Paolo Paraiso raw talaga ang ka-making out ni Chito.

Nag-comment din si Angel na bakit daw kay Bubbles sila laging nagtsi-chismis.

Pinagtawanan at ginawang biruan na ito nina Chito, pati sina Paolo at Neil.

Pero ang kasunod na post ni Neri ay tumalakay na sa pagtataksil ng isang asawa.

Ipinost niya ang quote card na “You can leave anytime.”

Mahaba ang caption na inilalahad ang mga dahilan para iwan na at talikuran ang isang relasyon.

Sabi niya; “Kapag hindi ka na masaya, puwedeng puwede kang umalis.

“Drained ka na sa isang relationship na puro ikaw na lang ang dapat umunawa. Leave.

“Sinasaktan ka? Binubugbog ka? Leave.

“Paulit-uli na lang ang ginagawa? Panay sorry kapag nahuli ka? Mamiso na lang ang sorry, wala nang halaga? Nakakasawa na ba? Leave.”

Pati sa mga toxic friends, mga kaibigang puro tsismisan, mga manipulative people, kapag hindi na masaya sa trabaho pati sa katrabaho at kung panay daw ang reklamo sa boss, ay puwede nang umalis.

Dagdag niyang pahayag; “Kapag nahanap mo na ang inner peace at happiness, masuwerte ka! Hindi lahat meron niyan at kaya yan. Madalas ang layo ng tingin nila para hanapin yan.”

At marami pa siyang hanash.

Pero ang huling linya niya; “Sabi nga nila, ‘When women support each other, incredible things happen.”

Hindi lang alam kung may pinatatamaan siya rito o pahapyaw na teaser ba ito sa sinasabi niyang vlog tungkol sa ‘cheating’.

Ang dami ring nag-react at nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa pag-iwan sa isang taong mahal mo.

Pero marami ang nagsasabing maaring para lang ito sa vlog ni Neri para mapag-usapan na bago ito lumabas.

Tingnan na lang natin.

Rita 13 years na naghintay ng break!

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Rita Daniela na nagbibida na siya at pinapanood na ito ngayon.

Maganda kasi ang performance ng One of The Baes nila ni Ken Chan at minsan ay tinatalo pa raw nila ang katapat.

“Nakaka-pressure kasi na kami ang huling nilabas sa season ng primetime.

Siyempre yung ratings po’ di ba.  Iyun nga po nagpapasalamat talaga kami ni Ken na nandiyan ang suporta ng mga fans ,” pakli ni Rita nang nakatsikahan namin sa taping ng The Clash.

Ngayon ay hindi raw niya maisip na sa tagal na niya sa GMA-7, ngayon lang siya nabigyan ng chance na magbida at maganda pa ang nagiging resulta.

“Ang galing nga ni Lord, nai-train niya ako for 13 years. Kasi dati sidekick o kaibigan ako ng bida. Ngayon after 13 years saka ako naging lead sa GMA,” nakangiti niyang pahayag.

Sana raw ay tuluy-tuloy ang pagtutok sa One of The Baes, at pati nga ang The Clash, na kahit matindi ang katapat na programa, may mga episode na talagang lumalaban sa ratings.

Kagabi nga at pati mamaya ay Pares Kontra Pares na ang labanan, na ang ending makakalaban mo pa ang kapares mo.

Sobrang challenging din daw kina Rita at Ken kung paano nila harapin ang mga clashers kapag natatanggal na sila o di kaya kapag sobrang kabado sa pakikipagtapatan sa ibang clashers.

 

 

Show comments