Manoy Eddie at Isah first time sa All Soul’s Day

Eddie at Isah

MANILA, Philippines — Sina Manoy Eddie Garcia at ang kaibigang si Isah Red ang dagdag na naalala namin ngayong Undas.

Parehong Bicolano sina Manoy Eddie and Manoy Isah na this year parehong namayapa.

Si Manoy Eddie, dahil malaking balita ang nangyari sa kanya at si Isah dahil hindi lang isang kasamahan sa entertainment writing kundi isang kaibigang matagal naming nakasama.

Almost 20 years naming kaibigan si Isah na isang magaling na broadsheet lifestyle / entertainment editor.

Mataray ang image ni Isah, but deep inside, mabait siya at totoong kaibigan.

Generous din at caring na hindi alam ng iba dahil nga ang dami niyang ‘pinaiyak’ na artista dahil once na magkamali sila ng sagot, naku ili-lecture sila ni Isah.

Lalo na nung walang social media at active pa ang movie industry, reyna talaga siya sa presscon.

‘Wag ka ring magkakamali sa grammar or else e-edit ka niya on the spot.

Fast forward. Two years siyang naging presidente ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Pero early September, almost two weeks namin siyang hindi nakikita sa showbiz happenings. Sick daw siya. May GERD (Gastroesophageal reflux disease) at may scoliosis, sabi niya nang huli kong makausap. That was Thursday, Sept. 19. So akala namin ok lang, the usual na masakit ang tiyan at hindi makakain. Health conscious siya kaya alam namin na ok siya.

Pagdating ng Saturday, Sept. 21, he died in his sleep.

Wala na siya. Sixty seven years old lang si Isah.

Sobra-sobrang sadness ang naramdaman namin hanggang ngayon.

Sa kanyang 40th day of passing last Wednesday, nag-host ang UNILAB ng Isah pa! – a gathering of fun, laughter and love for the one and only Isah Red.

Isang mass ang ginanap at may ilang parlor games na tiyak na ikinatuwa ng mahal naming kaibigan.

Salamat Ms. Claire de Leon Papa, UNILAB External Affairs head and the rest of the group sa pagmamahal kay Isah.

Halos kumpleto ang SPEEd sa pangunguna ng kasalukuyang president na si Ms. Ian Farinas of People’s Tonight.

Rest in Peace dearest Isah. 

Life is short indeed. Sabi nga : Life is short. So do the things which make you happy. And be with people who make you happy. Look for the good in every day – even if some days you have to look harder. – Karen Salmansohn’

Show comments