Dalawang horror film ‘nakakatakot’ ang kinita sa first day

Dalawang horror film ang ipinalabas nung nakaraang Miyerkules, ang Hellcome Home at ang Santigwar.

Hindi gaanong okay ang box-office results ng Santigwar, na baka naging nega pa sa pagtatalak ni Alexa Ilacad laban kay Nash Aguas.

Ang Hellcome Home naman ay halos P2 million lang ang kinita sa first day of showing.

Ang nagulat kami, gumanda pa ang takbo sa takilya ng Unforgettable ni Sarah Geronimo.

Naka-2M pa ito na mas mataas pa sa dalawang pelikulang nagbukas nung araw na iyun.

Maganda ang feedback sa pelikula at word of mouth, gumanda ang resulta sa takilya.

Bakasyon na ang sumunod na araw, kaya puwede pa itong humataw.

Tingnan na lang natin kung makakabawi pa ang mga sumunod na ipalalabas sa mga sinehan.

Aubrey balak pa ring pakasal

Kabilang si Aubrey Miles sa pelikulang Santigwar na gustung-gusto niya ang role na isang aswang.

Gusto kasi ng aktres na medyo maaksyon at natutuwa siyang katrabaho ang mga bagets stars na sina Alexa, Marlo Mortel, Marco Gallo at marami pa.

Doon sa nakaraang mediacon ay nabanggit sa amin ni Aubrey na 17 years na raw ang pagsasama nila ni Troy Montero pero hindi pa pala sila kasal.

Napag-usapan na raw kasi nila ito nung nagpakasal sa Amerika si KC Montero. “Plano naman namin,” pakli ni Aubrey.

Pero kung sakali, gusto raw nila ng kagaya rin ng seremonya nina KC at ng non-showbiz bride na tahimik lang at hindi na naging showbiz.

Ang gusto lang daw niya, sila lang pamilya. Kasama lang daw ang mga anak nila, okay na raw sa kanya iyun.

Pero kakaiba pala ang dream wedding ni Aubrey.“Gusto ko medyo wild, like…gusto ko sa Peru sa may Machu Picchu.

“Tinanong ko na, puwede naman,” pahayag ng aktres.

Gusto raw niya ibang lugar na tipong ganun gagawin ang kanilang kasal at gusto niya sa highest peak nito.

“Kasi sa tagal ng relationship namin, parang wala na kaming kailangang patunayan eh,” sabi pa ni Aubrey.

Sa totoo lang, okay lang daw kahit hindi na sila makasal ni Troy, pero gagawin daw nila ito para sa kanilang mga anak.

Ang dami ngang nakapansin na parang ang bagets pa rin ng sexy actress dahil sobrang kuntento na raw siya sa pagsasama nila ni Troy.

Hindi na raw sila nag-aaway at never daw malalaman ng publiko kung may away man sila.

“Happy kasi eh. Yung totoong love talaga.

“Kunwari may problema sa relationship namin, hindi na naming pinaparating sa family namin.

“We don’t fight anymore eh. Parang nag-argue kami to fix it, hindi fighting.

“We’re trying to talk para maayos, hindi nag-aaway,” pagmamalaki ni Aubrey.

Napagkasunduan na rin daw nila na kung sakaling may magtaksil man isa sa kanila, hiwalayan na raw agad. “Ako naman pag nag-cheat ka, go.

“Sabi ko, pag nag-cheat tayo, ako o ikaw, walang second chances,” napapangiti niyang pahayag.

Pero sure si Aubrey na hindi mambabae si Troy, dahil ramdam naman daw niyang siya pa rin ang pinakamagandang babae sa kanyang partner.

“Kahit may magandang babaeng dumaan sa harap niya, ako pa rin ang tinitingnan niya eh,” natatawa niyang sabi sa amin.

Show comments