Faney na faney sina Anne Curtis and Jinkee Pacquiao sa mga Korean idol nila.
Halos magkasunod ang pagpo-post nina Anne and Jinkee ng kanilang encounter with their K drama idols sa Seoul, South Korea.
Si Anne ay nakasama sa event ng luxury brand na Louis Vuitton ang super idol niyang si Gong Yoo na sobrang kinabaliwan niya sa K dramas tulad ng Goblin at pelikulang Train to Busan.
Si Jinkee naman ay nakaharap for the second time ang iniidolong si Ji Chang-Wook with Sen. Manny Pacquiao at mga anak nila.
Two days ago pa nasa Seoul si Anne para nga sa LV event (opening of a new Frank Gehry-designed Maison in Gangnam and a special Women’s Fashion Show - LV IG).
Kasama siya sa representative ng LV Philippines at si Gong Yoo naman ay LV ambassador kaya expected ang kanilang pagkikita.
Actually kung hindi married si Anne kay Erwan Heussaff, may kilig ang pagkikita nila sa IG story ni Anne, sa true lang. Kaya nga ang biro ng mga netizen, ‘Erwan left the group.’
Base sa nagkalat na video, pigil na pigil din si Anne sa idolong K actor.
Sina Sen. Manny and Jinkee naman ay invited daw ng Korean businessman na host din ng mga Pacquiao nung first time nilang maka-chikahan si Ji Chang-Wook, last Christmas.
“Happy to see you @jichangwook” sabi ni Ms. Jinkee sa photos nila ng kanyang idol.
Tinanggap naman ng Korean actor / singer ang pair of boxing gloves na signed ni Sen. Manny na kulay white.
Makikita rin sa post ni Jinkee ang isang food / coffee truck na may banner na “Jinkee Pacquiao Ji Chang Wook forever” na pinadala ni Mrs. Pacquiao sa taping ng Korean actor ng bago nitong drama series Melting Me Softly.
Actually nag-thank you rin ang Korean actor kay Jinkee sa kanyang IG story at nagpasalamat din ito sa boxing gloves na binigay ni Sen. Manny bilang idol ng Korean actor ang Pinoy boxing champion.
Nauna nang bumiyahe sina Liza Soberano and Arci Muñoz sa Korea para sa last leg ng Love Yourself: Speak Yourself world tour ng sikat na K pop group na BTS.
Wow. Talagang tuloy ang Korean fever sa Pinoy fans.
Kaya nga raw ang strict na ngayon ng Korean embassy sa pagbibigay ng visa. May ibang friend ako na gustong magpaka-turista sa Korea. Pero one month na raw ang process ng Korean visa. Samantalang dati, one week lang, no appearance pa.
Pero now, hindi ka na raw basta-basta makakuha ng visa dahil nga sa pagrami nang mga gustong magbiyahe sa South Korea at ang the heigh, may mga TNT na rin.
Confirmed na nga raw ayon sa isang travel agency (na pag-aari ng isang friend ko) na ang pinaka-favorite vacation destination ngayon ng mga Pinoy ay South Korea dahil nga sa pagka-hooked nila sa Korean dramas and K pop.
At ito siguro ang rason kaya naglabas ng advisory ang Embassy of the Philippines in the Republic of Korea sa mga ‘bogus Korean visa assistance service.’
“The Philippine Embassy in Seoul wishes to remind the Filipino public to be wary of the fake visa procession services directed at irregular migrants.
“These services, which are usual advertised in Facebook, purport to prive assistance to Filipinos who wish to acquire a valid visa and enable them to legally work and stay in Korea. These services are supposed to be provided for ‘free’ or for a small attorney’s fee.
“Please note that there is no such service allowed by Korean authorities. The Korea Immigration Service (KIS) does not process the visa applications of irregular and undocumented migrants based in Korea.
“Members of the Filipino community are encouraged to advise kababayans not to entertain these schemes, nor spread these in social media,” ang kumpletong advisory.
Whooaaa. Kaya ‘wag magpaloko.
Ang tindi na nito. Pero sana naman ‘wag maapektuhan ang local showbiz / stars natin sa pagkabaliw ng maraming Pinoy sa Korean actors / singers.