^

PSN Showbiz

Libingan ni Lilia Cuntapay, handa na sa Araw ng mga Patay!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Libingan ni Lilia Cuntapay, handa na sa Araw ng mga Patay!
Lilia

Nagpapasalamat ang kaisa-isang anak ng namayapang veteran actress at tinaguriang Queen of Philippine Horror Movies na si Lilia Cuntapay na si Gilmore Cuntapay sa mayor ng Pinili, Ilocos Norte na si Mayor Rommel Labasan dahil ipinaayos umano nito ang libingan ng veteran actress.

Pinalinisan ang paligid, pinapinturahan ng puti at meron nang lapida. Ginawa umano ito ng alkalde dahil bukod sa pride siya ng kanilang lugar ay malaki umano ang naiambag nito sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Bago sumakabilang-buhay si Lilia nung August 20, 2018 sa edad na 80, nanalo siyang Best Actress in 2011 sa Cinema One Originals Digital Film Festival para sa pelikulang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay mula sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone. Eight years later, ang nasabing pelikula ay isinali sa Crosscut Asia Section ng ongoing 32nd Tokyo International Film Festival na nagsimula nung nakaraang October 28 at magtatapos sa darating na November 5.

Bago namayapa, si Lilia ay lumabas din sa top-rating and long-running action-drama series ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Nathalie Hart hiwalay na sa BF?!

Mukhang ini-enjoy ngayon ng Starstsruck: Season 5 graduate-turned actress na si Na­thalie Hart ang kanyang pagiging ina ng kanyang 8-month-old baby na si Penelope courtesy of her Indian businessman fiancé na si Mayank Sharma.

Isinilang ni Nathalie ang kanyang baby sa Australia kung saan naka-base ang kanyang pamilya. Pero ang ipinagtataka ng marami ay tila hindi na nakikita sa mga posts ng aktres ang kanyang fiancé. Hiwalay na kaya ang dalawa?

Samantala, nasa Pilipinas si Nathalie kasama ang kanyang baby dahil muli siyang magpapatuloy sa kanyang showbiz career.

Bago niya ipagbuntis si Baby Penelope ay nakagawa ng tatlong pelikula si Nathalie nung isang taon at isang teleserye.

Alex Diaz pahinga muna sa abroad

Pansamantalang nangibang bansa ang controversial singer-actor-host na si Alex Diaz na kamakailan lamang umamin sa publiko na siya’y bi-sexual katulad ng singer-actor na si Mark Bautista.

Magpapahinga lamang umano siya sandali pero babalik umano siya na mas stronger and better than ever, “I have learned and I am growing,” pahayag niya sa kanyang Twitter account.

Si Alex ay naging bahagi noon ng teleserye ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang Pangako Sa `Yo at naging VJ rin siya ng Myx Music Channel.

AiAi, Kapuso pa rin

Muling lumagda ng panibagong kontrata sa Kapuso Network ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas at sa pagkakataong ito ay tatlong taon ang kanyang pinirmahan na magtatapos on March 22, 2022.

Nagpahayag si AiAi ng kanyang pasasalamat sa top management ng GMA na pinangungunahan ni Atty. Felipe Gozon. Umaasa rin rin ang singer-actress-comedienne na makakatrabaho niya ang ibang Kapuso talents na hindi pa niya nakakasama including Derek Ramsay.

ROMMEL LABASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with