Over acting na, umabot na hanggang sa international news ang nangyaring gulo sa Barretto sisters.
Sa isang article ng This Week In Asia (People) ng South China Morning Post (online version) bumida nga ang article na “How Gretchen and Marjorie Barretto feud shocked Rodrigo Duterte and transfixed Filipinos.” At hinimay-himay nga dun ang mga nangyari sa burol ng ama nilang si Mr. Miguel Barretto at kung ano ang naging participation ni Pangulong Duterte.
Lume-level sila sa story nito sa Lifestyle & Culture na “In Japan, workplace bullying and harassment are driving women to seek mental health treatment.”
Though as of presstime, tahimik na ang paligid ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie and Claudine.
Wala pang nagaganap na parinigan tulad last week. Obviously, tinalaban sila sa sinabi ng negosyanteng si Atong Ang na malaki ang papel sa buhay nila base sa mga statement na rin nila.
Si Marjorie nga happy photos na ang ini-upload na kasama ang kanilang nanay na si Mrs. Inday Barretto na nakitang kasama ni Gretchen after ng cremation ni Mr. Barretto.
Well, sana nga ay matapos na ang giyera nila lalo na nga Undas na.
Angel pinakita ang husay sa pagpipinta!
Bukod sa paghahanda sa kasal nila ni Neil Arce, though wala pa silang binibigay na wedding date, naging busy din pala si Angel Locsin sa pagpipinta after ng The General’s Daugther.
Kahapon nga ay maraming na-amazed nang ipakita niya sa social media ang kanyang ‘obra.’ “tried something new,” sabi ni Angel sa painting ng isang couple na nakaliyad ang girl.
Kaya naman marami talagang napa-wow. Kasama sina Marian Rivera, Bea Alonzo, Iza Calzado, Malou Santos, Sarah Lahbati among others.
“Seriously???? Your are so good!!!! Gel, make more!!!,” sabi ni Iza. “WOW Ganda, Gel!!! Ano bang hindi mo kayang gawin!!! ,” sabi naman ni Sarah.
Sa kanyang IG story ay parang may sinisimulan na naman ang actress.
So aasahan ba natin na magkakaroon na rin siya ng painting exhibit like Heart Evangelista?
Pero kelan na nga ba ang kasal nila ng producer na si Neil Arce? May nagsasabing this December na.
Jasmine pinatunayang fake news ang hiwalayan nila ng bf na Government employee
Pinatunayan ni Jasmine Curtis-Smith na fake news ang chikang hiwalay na sila ng long time boyfriend niyang si Department of Tourism - Regional Director (Region 4A) Jeff Ortega.
Last Sunday nga ay nag-upload siya ng photo nila ng karelasyon na magkasama.
Nauna na niyang itinanggi ang rumored break up nila sa presscon ng ipapalabas niyang movie na Cara X Jagger with Ruru Madrid. Actually, kahit si Jasmine ay nagulat na may ganun palang issue sa kanila ng businessman and professional surfer niyang BF. “Happy kami ni Jeff. No, we really didn’t break up. Ayoko! Please, no! Knock on wood!” reaction niya.
Pero aminado siyang halos hindi nga sila nagkikita lately dahil nga sunud-sunod ang movie niya at hindi pa ito masyadong adjusted sa sistema ng showbiz. “Nagugulat lang siya na hindi kami halos nagkikita,” kuwento pa ng actress na may kasali ring movie sa Cinema One Originals 2019.
Anyway, more than a month na sa kanyang government position si Jeff at proud ang actress. “I think, one month na siya as regional director and sobrang busy niya, he’s really loving what he’s doing,” sabi nito kaya hectic din daw ang schedule nito bilang bagong government employee.
Galing sa family ng mga politician si Jeff kaya tanggap niya in case na mag-join din ito sa pulitika.
Wala ring selosan sa kanila lalo na nga’t partner niya si Ruru Madrid sa Cara X Jagger na very open sa pagsasabing matagal na siyang crush. “I guess, natutunan na niya rin na it’s just work. He knows na wala dapat ikabahala pagdating sa ganyan.”
Anyway, ang Cara X Jagger ay isang kakaibang love story na naka-sentro kina Cara (Curtis) at Jagger (Madrid) – na isang dating mag-dyowa na haharap sa isang matinding paghamon na susubok sa kanilang relasyon.
Well, isang award-winning actress at isa sa mga pangunahing celebrity influencers ngayon na milyun-milyon ang followers sa social media, kilala internationally si Jasmine dahil sa kanyang critically acclaimed na pagganap sa 2013 indie smash hit na Transit. Mula nung nagsimula siya sa showbiz nung 2010, nagbida si Jasmine sa ilang mga independent films gaya ng Dementia, Bonifacio: Ang Unang Pangulo, Baka Bukas, at Maledicto.
Sa kasalukuyan Kapuso star si Jasmine at napanood siya sa Pamilya Roces at bahagi ng ensemble cast ng hinihintay na local adoptation ng Descendants Of The Sun.
Si Ruru naman siyempre ay isa sa pinakamahusay na homegrown artist ng GMA-7. Matapos siyang umangat sa mainstream popularity sa Protégé: Battle For The Big Artista Break, nag-bida si Ruru sa ilan sa topraters ng GMA-7 tulad ng Dormitoryo, Let The Love Begin, Encantadia, Alyas Robinhood, ang katatapos lamang na TODA One I Love, at marami pang iba.
“Dream come true po ito,” sabi ng isang napakasayang si Ruru. “Excited at kinakabahan po ako. Matagal ko na pong pangarap na makatrabaho si Jasmine dahil naniniwala po ako na isa siya sa pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon.”
Ipapalabas ang Cara X Jagger sa mga sinehan simula ngayong Nobyembre 6.
Veteran actor at young actress na may ka-loveteam gagawa ng pelikula
Magtatambal sa isang pelikula ang isang ‘veteran’ action star at sikat na young actress na may ka-loveteam.
Pero sa next year pa raw ito ipapalabas pero ngayon pa lang ay may negotiations na nagaganap.
So wait tayo sa formal announcement ng nasabing project na mala-Isusumbong Kita sa Tatay ko nina Fernando Poe Jr. and Maricel Soriano ang peg.
Tvplus Go, mabibili na sa convenience store
Uy maraming Pilipino pa ang makaka-enjoy ng hassle free na pagcocomute gamit ang TVplus Go dahil mabibili na ito sa CliQQ shop ang e-commerce arm ng 7-Eleven sa Luzon matapos pumirma ang ABS-CBN ng distribution partnership kasama ang Gate Distribution Enterprise Inc.
Maaari nang mag-order ng mga TVplus Go device sa cliqqshop.com at magpick-up sa 7-Eleven sa loob ng tatlo hanggang limang araw na waiting time. Pwede rin ipick-up ang kanilang mga order pagpunta at pag-uwi sa kanilang trabaho. Sa pagsama ng CliQQ Shop/7-Eleven, mas marami ng commuters ang makakabili lalo na tuwing holiday rush.
“Aming hangarin na bigyan ang mga Pilipinong nasa byahe ng pagkakataong mapanood ang kanilang paboritong mga TV show nang walang data charges,” saad ni Zenon Isaac, head of ABS-CBN TVplus Go Marketing and Content Management for Digital Payments and Mobile Services.
Maaring gamitin ng customers ang kanilang CliQQ wallet, 7-Eleven rewards points o cash-on-delivery. Maaaring piliin ng customer kung saang 7-Eleven store nila kukunin ang unit at isang SMS ang kanilang matatanggap kung maaari na itong makuha.
Samantala, magiging available naman ang TVplus Go units sa Visayas at Mindanao sa CliQQ shop simula sa susunod na taon.