Kathryn willing maghintay para makasama sa pelikula si Daniel
Kahit malaki ang naging tagumpay ng Hello, Love, Goodbye, ayaw pang gumawa ng project ni Kathryn Bernardo kasama ang ibang leading man, wait muna siya sa isang project that will reunite her with her partner on and off screen, Daniel Padilla na kahit gaano katagal pa siyang maghintay ay willing siya.
Kapuri-puri ang ginagawang pag-aalaga ni Kathryn sa KathNiel. Others will be willing to grab the opportunity na iwan ang ka-loveteam nila basta lang magkatrabaho, kaya tuloy maagang nasisira ang loveteam.
‘Di bale sana kung pumapatok ang mga ginagawa nila minus their screen partners pero, kahit hindi naman ay handa silang mag-try para lang magpatuloy ang kanilang karera. Hindi ganito ang pananaw ni Kathryn. Mahalaga sa kanya ang loveteam nila ni Daniel at ipaglalaban nila ito’t poprotektahan hanggang sa makakaya niya.
Nag-spend sila ni Daniel ng mahabang panahon, talent at effort para maabot ang kinalalagyan nila ngayon, hindi ito ang time to separate dahil may napatunayan na ang tandem nila at marami pang magagandang pangyayari na nakatakda sa pagsasama nila, both onscreen and off.
Pelikula ni Joel iikot sa European filmfests
Maaaring bigo si director Joel Lamangan na makasali ang Isa Pang Bahaghari na nagtatampok sa superstar na si Nora Aunor sa MMFF 2019 pero, meron pa naman siyang ibang movies na mapagkakaabalahan, like In the Name of the Mother ni Snooky Serna na balak niyang ilahok sa mga European Film Festivals in 2020.
Nakatakda itong mapanood sa Mother’s Day celebration next year. Nagtatampok ito sa mga bituing sina Diana Zuburi, Gardo Versoza, Pancho Magno, Miggs Cuaderno at Rita Daniela.
Hindi naman kawalan ni Joel o ni Nora ang hindi pagkakapili ng MMFF 2019 dahil gawa ito ng Heaven’s Best na kilala sa paggawa ng de kalidad na movies, ni Joel na kilala sa kanyang passion sa paggawa ng movies at nagtatampok sa isang aktres na kilala sa buong mundo ang kahusayan sa pag-arte. Napaka-unfair nila na iitsa-puwera ang pelikula. Tsk. Tsk. Tsk.
Imported Clashers, talunan?!
Makaka-third round na ang The Clash next week. Feeling ko ay mas mahirap itong round dahil hindi na sa sarili nilang kagalingan sa pagkanta nakasalalay ang panalo ng mga Clasher, nakadepende na rin sila sa ganda ng magiging kumbinasyon nila sa kanilang makaka-partner. Maraming magagaling na solo singer ang nababawasan ang galing kapag may kasama nang kumanta, lalo’t duet.
Walang magandang kinabukasan ‘yung mga imported na kalahok. Marami sa kanila ang na-eliminate na. Pero, in fairness ay magaling kumanta yung mabilis na nawala sa kumpetisyon. Ibig sabihin ba, mas magagaling ang locals?
- Latest