^

PSN Showbiz

Tv5 may re-run ng mga programa!

SCENE SEEN - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Tv5 may re-run ng mga programa!
AiAi

SEEN: Ginulat ni Sarah Geronimo ang movie­goers sa SM North Edsa at Vertis North dahil sa kanyang theater tour noong Linggo, October 27. Personal na pinasalamatan ni Sarah ang lahat ng mga nanood ng kanyang pelikula. Tumulong din si Sarah sa pagbebenta ng tickets sa SM North Edsa Cinema box office. Pinupuri ng manonood at ng film critics ang acting niya sa Unforgettable.

SCENE: Ang re-run ng TV5 sa kanilang mga old program tulad ng Kapitan Awesome, Parangnormal Activity, Third Eye at Kidlat.

SEEN: Nabawasan na ang interes ng publiko sa bangayan ng Barretto sisters matapos magsalita ng businessman na si Atong Ang. Hindi na kailangan ni Tonyboy Cojuangco na magsalita tulad nang sinabi noon ng kanyang longtime partner na si Gretchen Barretto dahil tahimik na ang isyu.

SCENE: Ngayon ang contract signing ni AiAi Delas Alas sa GMA Network Inc. Mananatili si AiAi na Kapuso dahil sa renewal ng kanyang exclusive contract sa GMA 7.

SEEN: Tahimik na ipinagdiwang ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas ang kanyang 40th birthday noong October 24, 2019. Imbes na gumastos at magkaroon ng magarbo na selebrasyon, pinili ni Alfred na tumulong sa ating mga kapus-palad na kababayan.

 “I’m so proud of the man you have become.
It is an honor to be the one you chose to be your wife.

“Although you weren’t everything that I “thought” a husband should be at first, you turned out to be so much more.

 “The world needs more men like you.You are a blessing in our lives and the lives of so many,” ang birthday message kay Alfred ng kanyang misis na si Yasmine na ipinagmamalaki siya nang husto.

SCENE: Si Rhap Salazar ang nanalo kahapon sa Celebrity Champions edition ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime. Tinalo ni Rhap sina Jeffrey Hidalgo, Jan Marini at Fourth Solomon.

TV5

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with