Shaina sangkot uli sa ‘hospital scandal’

Shaina

MANILA, Philippines — Ang galing ni Shaina Magdayao.

Namahinga siya sa social media for more than a month.

Ang daming artista diyan in all fairness, hindi tatagal nang ganun na hindi nagpapakita sa kanyang followers.

Pero ngayon ay nag-a-upload na uli si Shaina.

Yun nga lang, ang una niyang post, ang itanggi na namatay na siya.

Yup, kumalat nga ang pekeng balita na isinugod daw siya sa hospital pero dead on arrival dahil sa hypothyroidism.

“Im baaaccckkk! Or should I say, I’m A L I I I I VE and oh so ready for SCORP SEASON and my 30th!!!

“How refreshing to be off socmed for a while.

“Missed you too, IG world! Taken a few days ago for something thats coming out SOON!,” ang ‘comeback’ post niya.

Kung sabagay hindi ito ang first time na may kumalat na isinugod siya sa hospital.

Noon nga mas malala - ‘hospital scandal’ talaga dahil diumano’y nakaranas sila ng actor na si John Lloyd Cruz ng kakaibang medical condition during sexual intercourse.

Hindi naman naapektuhan noon sina John Lloyd and Shaina. Sinagot nila ang issue.

Common knowledge now wala pa ring nagiging karelasyon si Shaina after John Lloyd habang ang aktor ay hiwalay na sa last niyang partner na si Ellen Adarna kung saan nga may isa raw silang anak.

Show comments