Aga gustong maging leading lady si Kathryn

Aga

Nakakatuwang malaman na ang isang rebellious child noon na si Aga Muhlach ay napa­ngatawanan ang pagiging isang mabuting ama sa kambal niyang mga anak na sina Andres at Atasha Muhlach.

Tiyak na malulungkot silang dalawa ng asawang si Charlene Gonzales dahil sa pag-alis ng kambal para sa pag-aaral ng mga ito sa abroad.
Gusto rin nilang matuto ang mga ito na maging independent.

Pati sa lugar na pag-aaralan ng kambal ay papaghiwalayin din daw nila, si Andres ay sa U.S. habang si Atasha naman ay sa UK.

Samantala, balik sa paggawa ng movie si Aga matapos ang mahabang pamamahinga. Magkatambal sila ni Alice Dixson sa pelikulang Nuuk na sa Greenland pa kinunan.

May movie rin siya na entry sa Metro Manila Film Festival 2019, ang Miracle In Cell # 7.

Gumawa ito ng ingay nang tanggihang gawin ni Nadine Lustre at pinalitan ni Bela Padilla. Walang reklamo si Aga sa kung sino man ang makakasama niya, welcome siya sa lahat ng artista, pero ayon sa kanya, si Kathryn Bernardo raw ang gusto niyang makatrabaho.

Hangang-hanga siya sa pag-arte nito. Napanood niya nga raw ang projects nito – ang Barcelona, The Hows Of Us at Hello Love, Goodbye.

Ken ramdam si Kuya Germs kay Roderick

Bukod sa pagiging journey host nina Rita Danie­la at Ken Chan sa singing competition ng GMA-7 na The Clash, mga bida rin sila sa sitcom na One of the Baes. Kasama nila rito ang nagbabalik-Kapuso na si Roderick Paulate.

Aliw na aliw si Ken kay Roderick at nakikita niya ang dati niyang mentor dito na si Kuya Germs (German Moreno).

Madalas daw makarinig ng pangaral si Ken kay Roderick na mahalin niya ang kanyang trabaho at katrabaho. Ito rin daw ang madalas na ipangaral sa kanya ng namayapang Master Showman.

Feeling niya ay nabuhay si Kuya Germs sa katauhan ni Roderick.

Ipinagpapasalamat ni Ken na nakilala at nakasama niya si Roderick sa trabaho. Nanghihinayang lamang siya hindi na umabot at nakita ng manager/mentor niya ang pagdatal ng suwerte sa kanya.

Bukod sa kinikilala na ang galing niya sa pag-arte by being able to portray roles na hindi pa nagagawa ng mga kasabayan, isa na rin siyang host. Isa sa mga naging trabaho ni Kuya Germs nung nabubuhay pa ito.

Hindi man sila ang mga main host ni Rita sa The Clash, kinagigiliwan pa rin ang kanilang partisipasyon.

Nasa ikalawang season na ang pakontes at dinarayo na rin ito at sinasalihan ng maraming kalahok maging ng mga nagmumula sa ibang bansa.

Happy si Kem dahil maski na sa bagong trabaho niya ay kasama niya ang babaeng tinanggap ng manonood bilang ka-tandem niya.

Samantala, klik na klik ang kanilang tandem kaya naman pinag-aaralan ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films na bigyan sila ng movie.

Show comments