Atong inaming alam ni Tony Boy ang ‘relasyon’ nila ni Gretchen
MANILA, Philippines — “Tumawag sa akin si Tony (Boy Cojuangco). Sabi sa akin, ‘Pare, pakisamahan si Gretchen, baka mapaaway ‘yan doon.’ Iyon ang sabi sa akin ni Tony Sabi ko, ‘Sige, samahan ko na lang.’ Kausap ko si Gretchen, ‘Sige, samahan na lang kita,’” bahagi ng pahayag ng negosyanteng si Atong Ang sa exclusive interview ni Noli de Castro sa TV Patrol kagabi kaugnay sa naganap na gulo sa wake ng ama nina Gretchen, Marjorie and Claudine Barretto last week.
Mariin din niyang itinanggi na may relasyon sila ni Gretchen kahit na nga ang daming naglalabasang photos nila at maraming nagsasabing diumano’y mag-dyowa sila. “Wala talaga kaming relasyon ni Gretchen. Parang kapatid ko talaga ‘yan, hindi talaga.”
Anong sinasabi ni Tony Boy tungkol dito, tanong ni Kabayang Noli?
“Alam naman niya ang nangyayari. Nagkikita kami, nagpupunta ako sa bahay nila, basta dini-deny ko si Claudine at si Gretchen,” katuwiran niya pa sa picture nila sa eroplano na holding hands habang natutulog.
Madalas daw talaga silang magbiyahe pero grupo sila, kasama ang mga kaibigan. At kung nakikita naman daw silang holding hands, gentleman lang daw kasi siya.
Pero si Nicole ay ayaw niyang magsalita dahil may asawa na raw ito. “Pero wala akong masasabi sa pamilya niyan. Ayos ‘yan. Kung anuman ‘yung pinagsamahan namin ni Marichi, nila Nicole, sa akin na lang ‘yon. May kanya-kanya tayong buhay, so bakit natin kailangan i-expose ang buhay natin?,” katuwiran pa ng negosyante sa interview.
Hiningan din siya ng reaction sa message ni Marjorie na ‘wag naman daw sana siyang saktan at tinawag siya na ‘powerful bf’ naunang nagpa-interview sa TV Patrol three days ago? “Sa drama ninyo, sa away ninyo, wala akong pakialam diyan. Kung may dapat kang katakutan, I think ‘yung family ni Recom (Echiverri). Idineklara mong kabit ka, e. Dapat kang matakot, may mga anak ‘yon. Doon ka dapat matakot.”
“Sa inyong mga Barretto, since naging parang family ko kayo, nilalahat ko na kayo: Namatay na ‘yung tatay niyo. Ngayon, nag-iisa na ang nanay niyo. Magtulong-tulong na lang kayo, magbigay kayo ng pera, buhayin niyo, pilitin niyong maka-survive ang nanay niyo.
“Kung ako kayo, magkabati-bati na kayo. Tutal, ang media naman natutuwa lang pag nagkakagulo kayo, e.” sabi pa niya sa interview ni Kabayan na uploaded din agad sa abs-cbn.com.
- Latest