MANILA, Philippines — Ang saya kahapon ng presscon para sa dalawang programa ng DZMM na Tulong Mo, Pasa Mo and OMJ na naririnig at napapanood sa DZMM Radyo Patrol 6:30 every weekend.
Napapanood ang Tulong Ko, Pasa Mo... every Saturday and Sunday na ang host ay ang mag-asawang Vic and Avelyn Garcia. One year na ang kanilang programa na nagbibigay ng payo sa paghawak ng pera, trabaho, career, relasyon, pagpapalaki ng anak at marami pang iba.
Ang OMJ naman ang showbiz oriented radio program ng mga kaibigang sina Ogie Diaz and MJ Felipe.
Common knowledge na sa showbiz na dating nagbebenta ng banana cue ang kaibigang si Ogie Diaz nang makiusap siya kay Nay Cristy Fermin na gusto niyang maging writer.
Nung una ay ginawa muna siyang proofreader ni Nay Cristy sa kanyang sariling publication hanggang natutong magsulat at mag-edit.
Malayo na ang narating ni Ogie sa kasalukuyan na bukod sa pagiging writer at TV / radio host, movie producer na rin siya at higit sa lahat buo ang pamilya at may limang anak.
Kasal siya sa asawang si Georgette del Rosario at isa sa mga negosyo niya ang pagba-buy and sell ng house and lot.
Tunay ngang nakaka-inspire ang kuwento ng buhay ni Ogie bukod pa siyempre sa pagiging talent manager niya kay Liza Soberano.
Siya rin ang unang manager ni Vice Ganda.
Si MJ ang nanalo noon nang maghanap ang EK Channel ng entertainment reporter, ang weekly showbiz-oriented show nina Ogie Diaz, Rica Peralejo, Angelika dela Cruz and Marvin Agustin sa ABS-CBN noong 2004.
Sa more than 6,000 na nag-audition noon sa programa si MJ ang napili nila Ogie. Nagta-trabaho lang sana siya sa isang call center pero nagbago ang lahat nang makita niya na naghahanap ng reporter ang Ek Channel.
And the rest is history.
Ngayon ay siya ang entertainment reporter ng ABS-CBN sa TV Patrol at writer ng The Bottomline ni Boy Abunda.
Sina Ogie and tito Boy ang tinuturing na mentor ni MJ.
Madalas na rin ang biyahe niya sa mga international junket. Huli niyang na-interview si Arnold Schwarzenegger at Linda Hamilton para sa Terminator: Dark Fate sa South Korea.