Janine hindi makapaniwala sa nakuhang Best Actress award

Janine Gutierrez

MANILA, Philippines — Natanggap ng Showbiz royalty at Kapuso leading lady na si Janine Gutierrez ang kanyang kauna-unahang Best Actress award sa katatapos na 2019 QCinema International Film Festival’s Asian Next Wave Competition para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang Babae at Baril na idinirek ni Rae Red.

Gumanap si Janine bilang isang saleslady sa local department store, nagising siya isang araw nang may baril na sa harap ng kanyang bahay. Dito na ngayon magbabago ang kanyang buhay.

Ayon sa mga nakapanood, nakita nila ang kakaibang side ng aktres. Umaasa rin siya na magsisilbi itong inspirasyon para sa mga kababaihan. Nanalo rin ang Babae at Baril ng Gender Sensitivity Award habang ang direktor naman nitong si Rae Red ay nakakuha ng parangal bilang Best Director.

Samantala, shortlisted naman na ang pelikula nilang dalawa ni Benjamin Alves na Dagsin sa Oscars’ International Film Feature Category.

Bibida rin si Janine sa upcoming romantic-comedy film na If We Don’t Make It.

Show comments