Walong pelikula sa C1 may 3 million each

Regine

Muli, ipinagmamalaki ng Cinema One Originals ang 15 taong originality na kanilang inaalagaan at ipinagkakaloob sa mga filmmaker, baguhan man o mga datihan na isang platform to fully express their visions.

Sa kanilang ika-15 anibersaryo, walong orihinal na pelikula ang pinagkalooban ng tig-P3M para masimulan na ang kanilang proyekto. Apat sa kanila ay first timers, tatlo ang natulungan na ng Cinema One Originals at isang direktor na gagawa ng kanyang pangalawang pelikula pero, first time niyang  isusumite sa Cinema One Originals. 

Ang mga walong filmmakers ay sina JE Tiglao, para sa (1) Metamorphosis, isang kuwento ng sexual awakening ng isang lalaki na mayroon dalawang ari. Tampok sina Iana Bernardez, isang anak ni Angel Aquino na mara­ming masayang kuwento sa mediacon  tungkol sa pagsuporta sa kanya ng ina, Gold Aceron, Ivan Padilla, Ricky Davao at Yayo Aguila; (2) Utopia - Dustin Celestino, starring Enzo Pineda, Aaron Villaflor, Joem Bascon. Tungkol sa isang kometang pumasok sa mundo at naapektuhan ang lahat; (3) Lucid na nagtatampok kina Alessandra de Rossi at JM de Guzman sa direksyon ni Victor Villanueva. Tungkol sa kakayahang magkontrol ng mga panaginip; (4) O- Kevin Dayrit, tungkol sa mga bampira at ang pagbebenta ng dugo underground, starring Ana Luna, Lauren Young, Jasmine Curtis-Smith ; (5) Sila Sila mula sa award winning C1 director Giancarlo Abrahan, tampok sina Gio Gahol, Topher Fabregas na kung saan ay mayro’ng bigla na lang nawawala; (6) Tia Madre - isang horror ni Eve Baswel, tampok sina Cherie Gil at Jana Agoncillo; (7) Tayo Na Habang Hindi Tayo, isang romcom ni Denise O’Hara kasama sina Jane Oineza at JC Santos at (8) Yours Truly, Shirley na nagtatampok kay Regine Velasquez bilang isang biyuda na inakalang ang isang sikat na popstar ay reincarnation ng namatay niyang asawa.

Sa pagdalo ng Songbird sa mediacon ay nakaramdam agad ng kaba ang mga artista ng pito pang pelikula. Kung dahilan ba ito sa malakas na suportang ibibigay sa kanya ng manonood o ang posibilidad na malakas siyang contender sa pagiging Best Actress ay hindi malinaw pero, nasentro sa kanya ang atensyon, nakalimutan tuloy nila  na contender din si Cherie at mahusay ito sa kanyang nakakatakot na pelikula.

Nakalimutan din ang posibilidad na puwedeng mag-Best Actress ang batang si Jana na sinasabing mahusay ang naging performance sa Tia Madre.

Tatakbo ang Cinema 1 Originals mula November 7 - 17 sa Trinoma, Glorietta, Ayala Manila Bay, Gateway at Poweplant Makati.

May palabas din sa Vista Ciemas, Iloilo, UP Cine Adarna, FDCP Cinematheque Manila, Cinema Centenario, Cinema 76.

Kathryn most beautiful sa social media!

Tinanghal si Kathryn Bernardo na Most Beautiful Woman in the Philippines sa ika-14th edition ng annual poll mula sa mga boto sa  Facebook, Twitter, Instagram at online polls. Runner-up lang siya nung 2016, 2017, 2018.

Ang top nine positions ay nakuha nina Nadine Lustre (2), Diana Mackey (3), Maine Mendoza (4th), Kisses Delavin (5th), Angel Locsin (6th), Kim Chiu (7th), Liza Soberano (8th), Bea Alonzo (9th), Sarah Geronimo (10th). Luman­ding sa pang-100th si Morissette Amon.

Ginamit na criteria sa pagpili ay charm, 30%, facial 40%, popularity 30%.

Joey relate sa pagtataksil sa asawa

Nangangamoy award na naman si Sylvia Sanchez dahil sa napaka-touching na performance na ginampanan niya sa seryeng Pamilya Ko nung Biyernes nang magkaro’n sila ng kumprontasyon ni Joey Marquez na gumaganap bilang asawa niya at pinagtataksilan siya.

Hindi bale si Sylvia dahil nakilala na siyang magaling sa pag-arte, ginulat ni Joey ang mga manonood dahil hindi siya nagawang iwan ng malayo sa akting ni Sylvia.

Kabisado na raw kasi niya ang ganung eksena dahil pinagdaanan na niya ito sa tunay na buhay niya. Ganun?!

Show comments