SEEN: Magagamit ni Matteo Guidicelli sa Penduko ang training niya bilang Scout Ranger sa mga action scene sa kanyang launching movie na magsisimula ang principal photography sa susunod na buwan. Si Matteo ang final choice ng Viva Films para gumanap na Pedro Penduko. Ipinangako ni Matteo na hindi siya tatanggap ng ibang mga project dahil gusto niya na mag-focus sa shooting ng Penduko. Walang siyang leading lady sa pelikula.
SCENE: Ang Filipino-American stunt director na si Sonny Sison ang stunt director ng Penduko. Si Sison ang stunt director ni Anne Curtis sa Buybust at ni Cristine Reyes sa Maria.
SEEN: Perfect kay Matteo Guidicelli ang role ni Penduko dahil pareho sila na mula sa Bisaya. Bisaya rin ang direktor na si Jason Paul Laxamana kaya kasama sa plano nito na lagyan ng Visayan dialect ang mga dialogue ni Matteo sa Penduko.
SCENE: Hindi na ikinagulat ng publiko ang rebelasyon ni Marjorie Barretto na may anak sila ni former Caloocan City Mayor Recom Echiverri dahil open secret ito. Nonetheless, tinutukan pa rin ng publiko ang exclusive interview ni Karen Davila kay Marjorie.
SEEN: “Unclassy” ang mga Instagram post ni Gretchen Barretto tungkol kay Marjorie Barretto. Darating ang araw na hindi na seseryosohin ng publiko ang bangayan ng magkakapatid dahil magiging entertainment na lamang para sa kanila ang palitan ng maaanghang na salita ng Barretto sisters.
SCENE: Isang malaking circus na ang Barretto sisters feud dahil nadadamay na ang mga inosente at mga respetadong tao na malaki ang pagpapahalaga sa kanilang mga pangalan at pribadong buhay.