Diosdado Peralta bagong chief justice ng Korte Suprema
MANILA, Philippines — Hinirang na bilang panibagong Punong Mahistrado ng Korte Suprema si Associate Justice Diosdado Peralta, Miyerkules ng hapon.
Ang anunsyo ay inilabas ngayong araw ng tagapagsalita ng Kataas-taasang Hukuman na si Brian Hosaka.
"I'd like to announce that the Supreme Court has officially recieved a copy of the appointment papers of Diosdado M. Peralta as 26th chief justice of the Philippines," ayon kay Hosaka.
WATCH: Supreme Court spokesperson Brian Hosaka announces the appointment of Associate Justice Diosdado Peralta as the new chief justice of the Philippines. | @iambertramirez pic.twitter.com/3RwR0RrQQM
— The Philippine Star (@PhilippineStar) October 23, 2019
Papalitan ni Peralta ang dating punong mahistrado na si Lucas Bersamin, na nagretiro noong Biyernes.
Taliwas ito sa mga una nang haka-haka na si Associate Justice Andres Reyes Jr. ang mapipili ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Peralta ay isa sa mga naitalaga ni dating Pangulong Gloria Marcapagal-Arroyo sa Korte Suprema noong 2009 at naging presiding justice din ng Sandiganbayan noong 2008.
Nagtapos naman siya sa abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas taong 1979.
Martes noong nakaraang linggo nang isimuite ng Judicial and Bar Council ang short list ng mga kandidato kay Duterte.
Nakasama nina Peralta at Reyes si Associate Justice Estela Perlas-Bernabe sa listahan ng pagpipilian. — may mga ulat mula kay The STAR/Robertzon Ramirez at sa News5
- Latest