Parang normal kahit may anak na isa babaeng socialite lantaran ang relasyon sa dalawang mayamang negosyante!

Matinding palaisipan para sa marami ang lakas ng loob na ilantad ng isang kontrobersiyal na female personality ang kanyang lovelife na ibang lalaki ang sangkot.

Matutuyo ang utak ng nagbibigay ng mga ispekulasyon, paano niya nagagawa ang ganu’n, samantalang sila pa rin naman ang magkakasama sa buhay ng ama ng kanyang anak na isang bilyonaryo?

At ang nakakaloka pa ay singtamis ng asukal ang pagbati niya sa negos­yante kapag dumarating ang kanilang anibersaryo at kaarawan nito.

Tapos na ba ang lahat sa kanila? Meron na bang tuldok ang ilang dekada nilang relasyon para lumantad na ang female personality na ibang lalaki ang palagi niyang kasama?

At ang mas nakakaloka pa ay nakakaya niyang pagsamahin ang dalawang lalaki sa kanyang buhay na parang wala lang, para lang siyang umiinom ng kape, kering-keri niya ang sitwasyon.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang naman ngayon ‘yan! Remember, meron siyang naging karelasyon nang seryosohan nu’n. Mula sa isang prominent family ng mga politicians ang lalaki, lantaran din ang mga lakad nila.

“Walang dudang magkarelasyon sila dahil ginagawa nila in public ang sweetness na nakikita lang natin sa magkarelasyon talaga!

“Pero okey lang ‘yun sa father ng anak niya, parang todo-pasa na lang ‘yung negosyante, parang meron na silang pinag-usapan tungkol sa pakikipag­relasyon sa iba nu’ng female personality.

“Saan ka pa lulugar, e, nagsasama-sama nga silang tatlo sa isang okasyon! Nandu’n ang father ng anak niya, nandu’n din ang milyonaryong businessman.

“At pareho niyang inaasikaso ang dalawa, kampanteng-kampante lang siya, parang wala na siyang kailangang ipaliwanag tungkol sa sitwasyon nila!” nawiwindang na kuwento ng aming impormante.

Ayon sa isang source na malapit sa magkarelasyon ay meron na silang malinaw na pag-uusap. Hindi lang dahil manhid na ang ama ng kanyang mga anak kundi dahil sa mga personal na pangangailangan ng babae.

Sabi ng naturang source, “May mga biological needs kasi ang girl na hindi na naibibigay sa kanya nu’ng father ng anak niya. Hindi na kasi siya capable na ibigay ‘yun sa girl.

“So, meron nang liberty ang female personality na makipagrelasyon sa iba, kasi nga, may usapan na sila ng ka-live-in niyang milyonaryo.

“Nakakaloka siya! Siya na nga talaga! Kung itinatago ng mga artista ang mga kababalaghang ginagawa nila, e, ibahin natin ang babaeng ito!

“Wala nang kakabog sa female personality na ito sa mga ginagawa niya, kanyang-kanya lang ang trono, walang makaaagaw nu’n sa kanya!” pagtatapos ng nangingilabot naming source.

Ubos!

Gretchen, Claudine at Marjorie nangangailangan na ng ‘tulong’

Hindi na makakalimutan ng kasaysayan ang nangyaring gulo habang nakaburol pa ang ama ng magkakapatid na Barretto. ‘Yun na ang sukdulan.

Sa isang ordinaryong buhay ay nangyayari rin ang pagtatampuhan ng magkakapatid, pero ibang-iba ang sa mga Barretto, sa mismong lamay ng kanilang ama nila mas piniling maglabas ng galit sa isa’t isa.

‘Yung tungtungan nga lang ng ibang tao ang puntod ng ating magulang ay ikinagagalit na natin, ‘yun pa kayang tayo mismo ang hindi magbibigay-respeto sa bangkay ang magiging wasto sa pananaw ng iba, hindi na mabubura sa utak ng buong bayan ang ipinamalas na pagrarambol ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine sa mismong burol ng kanilang ama.

At ngayon ay saksi na naman ang sambayanang Pinoy sa pagpapaamoy nila ng baho ng kanilang buhay, bidang-bida sa kanilang diskurso ang mga lalaking makapangyarihan na nauugnay sa kanila, sarap na sarap naman sa pakikinig-pano­nood ang mga miron sa kanilang away.

Kung ibang tao lang sana ang kaaway nila ay kauna-unawa pa, pero iisang sinapupunan ang kanilang pinanggalingan, dugo at laman sila nina Daddy Mike at Mommy Inday.

Pare-parehong nangangailangan ng propesyonal na tulong ang magkakapatid na ito. Kailangan nilang mahawakan nang maayos ang kanilang emosyon.

Kung ang mismong burol nga ng kanilang ama ay hindi nila kinayang respetuhin, sino pa sa mundong ito ang maaari nilang igalang, meron pa kaya?

 

Show comments