Andre Brouillette, dating sumo wrestler bago napasok sa bahay ni Kuya!

Andre

Bagama’t marami ang nanghihinayang na hindi nasungkit ni Andre Brouillette ang pinakamimithing titulo sa Pinoy Big Brother at naging pang-apat lamang sa mga nanalo na kung saan si Yamyam Gucong ang nakakuha ng grand title, masaya na ang Fil-Am Hawaiian born actor/model na meron siyang career dito sa bansa.

Recently lang ay nakita siya sa isang TVC ng isang coffee brand kasama ni Gerald Anderson. Maganda rin at makulay ang kanyang lovelife sa piling ni Lou Yanong, isa sa mga nakasama niya sa Bahay ni Kuya.

Mahilig sa sports si Andre, naging sumo wrestler siya sa Japan habang nag-aral ng Japanese language, dito rin siya natuklasan ng isang talent agent at dinala sa ‘Pinas na kung saan ay nalinya siya sa modeling. Ito rin ang nagpasok sa kanya sa PBB.

Bukod sa kanyang pag-aartista mahilig sa sports si Andre, marunong siya ng basketball at volleyball, pero pinakapaborito niya ang boksing. Pangarap niya raw na makilala sa larangang ito. Gusto niyang maging coach sa training ang Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao.

Ejay kapansin-pansin ang nag-level up na kaguwapuhan

Tanong ng marami: kumakanta rin daw ba si Ejay Falcon?

Kasama kasi siya ngayon sa cast ng Damaso The Musical at dahil mahalaga ang role niya bilang Elias, iniisip ng marami na kakanta siya sa nasabing pelikula.

Lately ay trending si Ejay dahil sa mahalaga niyang role sa bagong serye ng ABS-CBN na Sandugo.

Magkapatid ang role nila ni Aljur Abrenica na ipinagbili ng kanilang ina nung bata pa sila para may pambayad sa operasyon nito. Magiging mahigpit silang magkaaway sa kanilang paglaki.

Bukod sa malaking improvement sa kanyang acting, kapansin-pansin din ang malaking improvements ng looks niya. Lalo siyang gumwapo at naging desirable sa screen.

Ang Damaso The Musical na hindi man sinuwerte na mapasali sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2019, nagbabadya naman ito ng isang magandang panoorin na binubuo ng isang matingkad na cast, ito ay sina Arnell Ignacio, Vina Morales, Jin Macapagal, Ariel Rivera, Aiko Melendez, Leo Martinez, Irma Adlawan, Mon Confiado, Richard Quan, Lou Veloso, Ian de Leon, Carmi Martin at Pinky Amador. Mula ito sa direksyon ni Joven Tan.

JK wagi rin sa Star Awards

Humamig ng parangal si JK Labajo sa Awit Awards para sa awitin niyang Buwan. Napanalunan niya ang Best Performance By a Male Recording at Favorite Male Artist, habang itinanghal naman na  Favorite Song and Favorite Record ang Buwan. Best Performance By a Female Recording Artist naman ang pinagwagian ni Sarah Geronimo, Song of the Year ang Tagpuan ni Moira dela Torre at Record of the Year naman ang Awit Natin ni Janine Teñoso.

Hashtags mas nag-e-excel sa pag-arte kesa pagsayaw

Bida na naman ang isa pang Hashtag member na si Kid Yambao sa movie na Two Love You. Kasama niya sina Yen Santos, MC at Lassie.

Meron na namang dapat ipagbunyi ang Hashtags dahil dumarami pa ang miyembro nila na nakikilala na rin sa pag-arte. Dati ay sina Nikko Natividad, McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles, Zeus Collins, Ronnie Alonte, Ryle Santiago, Jimboy Martin lamang, pero ngayon halos kalahati na. Baka bukas ay lahat na sila!

Show comments