Dahil sa depression at cyber bullying, K Pop star nag-suicide

Sulli

MANILA, Philippines — Mabilis nag-trending kahapon ang pagsu-suicide ng K-popstar na si Sulli.

Ayon sa mga report, natagpuan siyang patay sa kanyang apartment outside Seoul, South Korea. Twenty five years old lang si Sulli.

Cyber bullying at depression ang sinasabing dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Kilala umanong controversial and outspoken si Sulli dahil sa kanyang braless posts sa kanyang social media accounts.

Hindi lang siya singer, meron din siyang mga pinagbidahang Korean drama series.

Makikita sa kanyang mga huling post na nagsasabi siyang hindi siya bad person bakit siya ginaganun. “I’m not a bad person. I’m sorry.” sabi niya sa isang video na kumalat kahapon.

Iba talaga ang depression at hindi dapat ini-ignore lalo na ngayon at malala ang bullying / cyber bullying.

Ayon sa https://www.psychiatry.org : “Depression (major depressive disorder) is a common and serious medical illness that negatively affects how you feel, the way you think and how you act. Fortunately, it is also treatable. Depression causes feelings of sadness and/or a loss of interest in activities once enjoyed. It can lead to a variety of emotional and physical problems and can decrease a person’s ability to function at work and at home.”

Paalala na ilan din sa mga symptoms nito ang mga sumusunod ayon pa sa  https://www.psychiatry.org :

“Depression symptoms can vary from mild to severe and can include:

Feeling sad or having a depressed mood

Loss of interest or pleasure in activities once enjoyed

Changes in appetite — weight loss or gain unrelated to dieting

Trouble sleeping or sleeping too much

Loss of energy or increased fatigue

Increase in purposeless physical activity (e.g., hand-wringing or pacing) or slowed movements and speech (actions observable by others)

Feeling worthless or guilty

Difficulty thinking, concentrating or making decisions

Thoughts of death or suicide

Symptoms must last at least two weeks for a diagnosis of depression.”

Siguro rin kasi sa rami ng mga nangyayari sa paligid na konting issue lang lumalaki na dahil sa social media, marami ngang makakaramdam ng depression.

Isa ngang sample na pinalaki sa social media ay ang comment ni Marian Rivera sa traffic.

Nagsabi lang siya ng opinion nang may magtanong sa kanya kung anong stand niya sa sinasabing traffic crisis sa bansa, ayun, binomba na siya ng negative reactions as if binigyan sila ng karapatang sagutin ang mga katuwiran ni Marian at ang mga ginagawa niya sa tuwing nata-traffic siya.

Katakot-katot na bashing na ang kanyang tinanggap. Eh buti keri ni Marian i-handle and bashers / haters. Bumuwelta siya.

By the way, may issue ng depression ang kuwento ng pelikulang Nuuk nina Aga Muhlach and Alice Dixson kaya timely ang pelikula na sa Greenland pa nag-shooting. Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Nuuk.

Parang giginawin ka rin sa pelikula dahil sa snow sa nasabing bansa.

Show comments