Ang suwerte ni Bro. Jun Banaag, OP, na nakapaglakbay sa Fatima, Portugal na mapapanood ngayong Linggo (Oktubre 13) sa DZMM. Imagine nabisita niya ang pinangyarihan ng mga aparisyon ng banal na Ina ni Hesus, na bumago sa buhay ng maraming Katoliko sa mundo, kabilang na ang mga Pilipino.
Sa dokumentaryong Himala sa Fatima, ibabahagi ni Bro. Jun ang kuwento ng buhay ni Maria at ang mga mensahe sa likod ng kanyang pagpapakita sa tatlong batang pastol noong 1917, kung saan binigyang importansya niya ang pagsisisi at penitensya, ang pagdarasal ng rosaryo, at ang paniniwala sa himala.
Nakausap din ni Bro. Jun ang dalawang Pilipinong deboto ng Our Lady of Fatima, na parehong naisalba ng kanilang pananampa-lataya.
Isa sa kanila ay sabay namatayan ng asawa at mga kapatid, habang ang isa naman ay nagkaroon ng sakit na cancer.
Mapapanood ang dokumentaryo sa DZMM Radyo Patrol 630 sa AM radio, DZMM TeleRadyo sa cable at ABS-CBN TVplus, at online sa iWant sa Linggo (Oktubre 13) ng 9 pm, sa araw ng ika-102 anibersaryo ng huling aparisyon ng Birheng Maria.
Muli naman itong mapapanood sa Oktubre 15, 16, at 17, ng 11 pm sa timeslot ng Dr. Love Radio Show at sa Oktubre 21, mula 1:30 pm hanggang 3 pm.