24 celebs bida sa special edition ng TNT
Mainit ang labanan sa special edition ng Tawag ng Tanghalan, ang pangmalakasang handog ng It’s Showtime para sa kanilang 10th anniversary sa pagsali ng iba’t ibang celebrities para magpasaya at magpabilib sa madlang people.
Gamit ang kanilang boses, nagsimula nang mag-sample ang 24 stars sa Tawag ng Tanghalan: Celebrity Champions, pero dapat pang abangan ang pagpapakitang gilas sina Ara Mina, Ethel Booba, Marlo Mortel, Pepe Herrera, Patricia Javier, Guji Lorenzana, Mike Luis, Jimmy Marquez, Alex Castro, Ana Ramsey, Songyupsal, at Anton Diva.
Araw-araw, apat na celebrity contenders ang nagtutunggali at ang mananalo naman ang papasok sa finals. Sa ngayon, pasok na rito ang singer-actress na si Roxanne Barcelo, vocal coach at dating The Voice of the Philippines alumnus na si Thor Dulay, at The Voice Kids grand finalist at Your Face Sounds Familiar Kids performer na si Justin Alva.
Gaya sa normal na kumpetisyon, kailangang maging maingat sa pag-awit ang celebrity contenders para makaiwas sa gong. Nagsimula ang Celebrity Champions noong Lunes at sumalang na sa hamon ng tanghalan ang BoybandPH member na si Niel Murillo, It’s Showtime dancer na si Stephen Robles, former That’s Entertainment star na si Shirley Fuentes, Mr. Pastillas Chard Ocampo, dating Pinoy Dream Academy first runner-up Jay-R Siaboc, actor-composer Lance Raymundo, aktor at viral sensation na si CJ Navato, singer na si Geoff Taylor, at actress-cosplayer na si Myrtle Sarrosa.
Ito ang handog ng It’s Showtime bago magsimula ang ikaapat ng taon ng Tawag ng Tanghalan at bago ang inaabangang Magpasikat competition ng hosts ngayong buwan.
- Latest