Sharon pangarap din maging ‘bold star’

Sharon

Hindi napigilang umiyak ni Sharon Cuneta nang sagutin ni Regine Velasquez ang tanong kung ano ang pakiramdam niya na mahal na mahal siya ni Megastar. “Medyo nagulantang ang mundo ko ng very, very light. Tapos hindi ko siya (Sharon) pinansin, hindi ako nagsalita,” umpisa ni Regine. Singit naman ni Sharon, “Ano kayang problema nito, hindi nagsasalita.”

“Hindi ako makapaniwala. Kasi I’m a fan, I’m a Sharonian. I’ve always been very vocal about it. She has been an inspiration since the beginning of my career. And you know, kapag may iniidolo ka kasi, you bring that person with you eh. Sa defeats, sa frustrations, kahit ano pang daanan mo sa buong career mo, you bring that person with you because she is your inspiration. Especially in those moments na feeling mo you’re defeated. That’s when you bring you most, kumbaga iniidolo mong person in life. Kaya feeling ko, naging parte talaga siya ng buong career ko. And then it is also wonderful kahit nung nasa GMA pa ako, she would always, always, request for me,” paliwanag ni Regine habang humahagulgol na sa tabi niya si Sharon.

Dun na rin naikuwento ng Megastar na present talaga si Regine sa special events ng buhay niya. Muntik na raw siyang maging regular ng Sharon Cuneta Show. Na-touch pa nga raw siya dahil nung debut ni KC Concepcion ay kagagaling lang daw ni Regine sa Amerika at dumiretso sa debut ng kanyang anak para kumanta.

Samantala, kahit may sakit ay confident si Sharon na kondisyon na kondisyon siya sa upcoming Iconic concert nila ng Asia’s Songbird sa October 18 & 19 sa Araneta Coliseum. “Oo naman kasi may faith ako kay Jesus. Alam mo ang demonyo gusto niyang tanggalin ‘yung happiness mo, nakawin ‘yung joy mo, sirain ‘yung kaligayahan mo. My husband (Sen. Kiko Pangilinan) is praying for me na last night, we prayed together. Kasi sabi niya, he knows that we love Regine and we’ve been looking forward to this for a long time. Kaya nga nagkakasakit-sakit, buti naman review kami nang review na in the name of Jesus, wala lahat ‘yan. It’s gonna be a happy celebration pero alam mo feeling ko, one of the reasons why I was very touched yesterday (sa rehearsal) because it’s one of the last concerts na I’m going to do. And isa pa sa pinaka-special kasi ilang taon kong hinintay na magkasama kami back-to-back onstage, first time to have a back to back show with a woman na singer na ganun kagaling at mahal ng tao so its going to be, for me for sure, very emotional. You know, kahit makulit na ‘no, it’s a big factor na kaibigan mo yung kasama mo saka genuine at sincere ‘yung love ko kay Reg eh, so parang when you’re performing with someone special to you, and you’re sharing the stage, that means…. Almost the world to me.”

Naging light naman ang usapan nang matanong kung may kakaiba ba silang preparasyon para makabisado ang lyrics ng kanta. Ayon kay Sharon ay wala naman siyang problema sa lyrics.

Ayon naman kay Regine, “Ako alam mo yung ginagawa ko, nakakatawa, alam mo ‘yung blackbook kung nasaan ang mga lyrics ng kanta? Hinihigaan ko. Hahaha!” Dito na tumawa nang tumawa si Sharon na sabi ni Regine, “Hayaan mo na teh, bata pa ako ‘yun na ang ginagawa ko. ‘Di ba nung highschool ka ‘yung inuunan mo ‘yung notebooks.”

Ginagawa raw niya ‘yun para pumasok sa ulo niya ang mga letra ng kanta na ikinatawa ng lahat.

Sa nasabing presscon ay ini-reveal din ni Regine na ultimate dream daw niya ang maging bold star na ayon kay Mega ay pangarap din niya.

Show comments