Elisse unti-unti ang pagpapa-sexy!
MANILA, Philippines — Unti-unti at hindi raw biglaan ang pagpapa-sexy ni Elisse Joson sa serye niyang palabas na ngayon, ang Sandugo. Sa said series ay kasama niya sina Vin Abrenica at Ejay Falcon.
Masasabing isa ngayon si Elisse sa pinaka-busy sa Kapamilya stars dahil sa Saturday ay sa MMK naman siya mapapanood kasama si Richard Gutierrez. Sa inilabas niyang trailer sa Instagram, mukha namang papasa ang kanilang team up dahil may chemistry rin sila.
Super blessed din ang young actress dahil recently ay napili siyang ambassador ng Ready 2 White skincare line ng Cathy Doll, isang brand sa Thailand na nasa Philippines na for three years.
Bagay na bagay raw kay Elisse ang bagong campaigne ng Cathy Doll Philippines dahil may image nga itong sweet at caring. Bukod sa effective ay ipinagmamalaki rin ng actress na budget-friendly ito para sa mga Pinay.
Siguro naman, sa pagiging abala ni Elisse ay tuluyan na siyang maka-move on kay McCoy de Leon na nang-iwan daw sa kanya. Hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa na umabot pa sa punto na ayaw na muna nilang makatrabaho ang isa’t isa.
Suportado rin ng kani-kanilang fans ang bago nilang lovelife, si McCoy ay nali-link ngayon kay Miles Ocampo at si Elisse naman ay kay Jameson Blake.
Tetay, Prince, Jenzel solid Kapuso pa rin
Sabay-sabay nag-renew ng kanilang management contracts with GMA Artist Center sina Tetay, Prince Clemente, and Jenzel Angeles last Thursday, September 26.
Para kay Tetay, malaking role sa kanyang career ang pagiging isang Kapuso comedian.
Kasalukuyan siyang napapanood sa seryeng The Gift bilang Tonya na best friend ni Nadia (Jean Garcia). Naging parte rin siya ng pelikulang Kiko En Lala.
“I don’t know what words to use to describe how happy I am right now. Every day, you learn something. You just keep on taking care of your craft lang. So, with regards sa aking pagiging comedian, ‘yung nagawa ng GMA, sobra. Now, I’m happy with The Gift. Mayroon siyang onting patawa, but it’s leaning to the dramatic side,” kwento niya. “Nagpapasalamat ako. Nung una, sinasabi ko pasok ba ako rito? Medyo madrama pero kami yung nagpo-provide ng comic relief. And then, ang dami pa nilang dapat abangan. When I have the chance na mag-Twitter party, really i enjoy it. You see every day, there’s something new. You read all those tweets, ang galing, sobra nakaka-proud.”
Proud naman ang Kapuso hunk na si Prince sa pagiging Kapuso. Gaganap siyang SF Randy Katipunan aka Piccolo sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun.
“Mahirap siya eh, sobra. Pero sobrang fulfilling na ma-experience ko yung mga pinagdadaanan ng mga soldier kahit for two days lang yun, nag-iba yung tingin ko sa mga sundalo natin, sobrang hirap ng ginagawa nila. Totoong sila yung mga bagong bayani ng bansa natin,” pagbabahagi niya.
Si Jenzel naman ay naging part ng Onanay at The Cure, tulad ni Prince ay mapapanood din siya sa Descendants of the Sun.
“My role is Hazel Flores. For this Filipino adaptation, one of the nurses po ako kaya I’m very excited. Siyempre, kinakabahan po ako kasi ang daming mabibigat na artista na makakasama ko sa Descendants of the Sun,” sabi niya.
- Latest