^

PSN Showbiz

Paolo sa GMA na tumanda

Pilipino Star Ngayon
Paolo sa GMA na tumanda
Paolo Contis

MANILA, Philippines — Kapuso pa rin si Paolo Contis pakatapos niyang mag-renew ng kontrata sa  GMA Network last Friday, September 27.

Sa loob ng 15 years niya sa GMA, biniyayaan si Paolo ng iba’t ibang project at greatful siya sa kanyang relationship sa Kapuso.

“Basically, dito na sa GMA, dito na ako tumanda, in terms of nag-mature, in my personal life, (and) professionally. Tahanan ko na talaga ang GMA. Kung mayroong through thick and thin ika nga, lahat ng napagdaanan kong mabibigat, they’ve been very supportive of me, regardless of any situation,” kwento niya.

Bukod sa pagiging mainstay ng Bubble Gang, host din siya sa Studio 7.

 “Mahirap magpatawa, especially sa culture nating mga Pinoy dahil very emotional tayo. Madaling magpaiyak pero with regards sa maraming problema natin sa bansa, ang hirap magpatawa. I love making people laugh talaga. I’m very happy na sa munting paraan ko, through Bubble Gang, kasi weekly ko siya nagagawa,” pagbabahagi niya.

MNL48, Kapamilya pa rin

Nananatiling Kapamilya ang MNL48, ang pinakaunang female idol group sa bansa, matapos nilang pumirmang muli ng co-management contract sa ABS-CBN noong Biyernes (Oktubre 4).

Pinangunahan ng MNL48 Senbatsu members na sina Sela, Abby, Sheki, Jamie, Rans, Gabb pati na rin ang MNL48 Under Girls na sina Coleen, Brei, at Belle ang contract signing na naganap sa ABS-CBN.

Sunud-sunod ang proyekto ng mga dalaga tulad na lang ng nalalapit na pag-release ng kanilang ikalimang single sa ilalim ng Star Music, ang kauna-unahang team concert nila ngayong Oktubre, at isang behind-the-scenes documentary tungkol sa first generation ng girl group na pinamagatang ICYMI: I See Me (The MNL48 Documentary). 

Bibida rin ang mga miyembrong sina Abby, Kay, Coleen, at Brei sa international movie adaptation ng hit manga serye na Seikimatsu Blue, na unang mapapanood sa Japan ngayong darating na Enero 2020.

Nabuo ang sing-and-dance group na MNL48 sa pangunguna ng ABS-CBN at Hallohallo Entertainment ng Japan, habang ang mga miyembro nito ay masusing pinili sa talent search na tumagal nang apat na buwan sa It’s Showtime noong 2018.

Sa ilalim ng ABS-CBN at Star Music, nakapag-release ang MNL48 ng anim na singles tulad ng Aitakatta – Gustong Makita, Talulot Ng Sakura, Amazing Grace, Palusot Ko’y Maybe, at naging interpreter ng Himig Handog 2018 entry na Dalawang Pag-Ibig Niya kasama sina Sheena Belarmino and Krystal Brimner.

Ang MNL48 ang international sister group ng highest-selling J-pop phenomenon na AKB48.

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with