Amalia at Tony maraming iniwan na magagandang alaala

So sad naman na magkasunod na namatay sina Tony Mabesa at Amalia Fuentes. Pumanaw si Tony noong Biyernes nang gabi at kahapon, Sabado, nagpaalam si Amalia.

Parang hindi ako maka-get over na halos every week, meron tayong mga friend Salve na nauuna nang umalis.

Pagkatapos ang magkasabay na pagpanaw nina Isah Red at ng direktor na si Mel Chionglo, heto naman sina Amalia at Tony.

I will always have fond memories of both, si Tony close sa anak kong si Michelle dahil naging student niya sa UP.

Sina Amalia at Susan Roces, ang mga reyna ng pelikulang Pilipino nang pumasok ako noon sa showbiz.

Maganda ang memories ko ng mga panahon na ‘yon dahil konti ang mga artista at tatlong major studios lang ang gumagawa ng movies kaya mas closer ang mga showbiz writer sa mga star noon. Hindi katulad ngayon na hindi kilala ng mga artista ang mga showbiz reporter.

We can only pray for their souls now, sana maging tahimik ang kanilang paglalakbay at sana nagawa nila ang lahat ng mga gustong gawin sa mundo noong nabubuhay pa sila. Rest In Peace, till we meet again, Tony and Amalia.

Kamiseta may pang malaki na rin 

Gustung-gusto ko ngayon ang Kamiseta apparel dahil dati parang maliit ang size ng ladies outfit nila pero now, bongga, may big size na para sa mga katulad ko Salve.

Maipagmamalaki ang mga design ng Kamiseta na may mga painting ni Heart Evangelista.

Very classic ang Kamiseta outfits na talagang pang-preppy kaya mga college girl at young executives ang makikita sa kanilang mga store.

Magaling talaga ang business sense ni Cris Roque dahil for all ages and sizes ang mga bagong merchandise ng Kamiseta apparel. Bongga talaga, in time for Pasko na talagang gumagastos ang mga mamimili.

LA hindi nagmamadali, concert ni Imelda almost sold out na

Nag-invite si Mama Flor Santos, ang nanay ng singer na si LA Santos, sa isang merienda presscon para kay Imel­da Papin.

Tinutulungan pala ni Mommy Flor ang anniversary concert ni Imelda na @45 sa October 26, 2019 at isa sa mga performer si LA na hinahangaan ni Imelda ang talent at professionalism.

Nagtataka ako kung bakit hindi mabigyan ng mala­king break si LA samantalang kung boses ang pag-uusapan, puwedeng-puwede na ilaban sa ibang singers ang boses niya.

Napakabait na bata ni LA at ang ganda ng back story ng pagsisimula ng singing career niya.Well, sa tamang panahon, sisikat din nang husto si LA.

Hindi naman nagmamadali ang binata, maging si Mommy Flor, gusto niya na hinay hinay lang si LA. Basta mapagbigyan lang ang hilig sa musika ng kanyang anak.

Ang Philippine Arena ang venue ng 45th anniversary concert ni Imelda na happy ako dahil almost sold out na raw ang tickets.

Hindi lang si LA Santos ang special guest ni Imel­da dahil invited performers din ang kanyang mga kaibigan, sina Claire dela Fuente, Darius Razon, Andrew E., Pilita Corrales, Marco Sison, Jovit Baldivino, Eva Eugenio at April Boy Regino.

May special participation din sa anniversary show ni Imelda ang kanyang mga kapatid na sina Gloria at Aileen, pati na ang nag-iisang anak niya na si Maffi na sinubukan din noon na mag-showbiz.

Show comments