^

PSN Showbiz

Matagal nagkasakit!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: “I will miss you all forever” ang tagos sa puso na mensahe ni Aga Muhlach para sa kanyang tiya na si Amalia Fuentes na pumanaw kahapon, October 5. Si Amalia ang unang naging artista sa Muhlach family at siya ang nagbukas ng pintuan sa showbiz para sa kanyang mga pamangkin na sina Niño, Aga, Arlene, AJ at Andrew Muhlach.

SCENE: Ang stroke na nangyari kay Amalia Fuentes noong November 2015 habang nagbabakasyon sa South Korea ang simula ng paghina ng kanyang katawan. Nakaapekto sa kalusugan ni Amalia ang pagpanaw noong March 2015 ng kanyang kaisa-isang anak na si Liezel Martinez na binawian ng buhay dahil sa breast cancer. Suma­kabilang-buhay si Amalia sa edad na 79 at 78-years-old naman nang pumanaw sa California noong May 2017 ang kanyang ex-husband na si Romeo Vasquez.

SEEN: Nagsimula ang acting career ni Amalia Fuentes noong 1956 nang manalo siya sa Mr. & Ms. Number One contest ng Sampaguita Pictures. Sina Amalia at Susan Roces ang mga kinikilala na movie queens noong kapanahunan nila. Ang Huwag Ka Lang Mawawala, ang television series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Judy Ann Santos ang huling television assignment ni Amalia.

SCENE: Elizabeth Taylor of the Philippines ang bansag noon kay Amalia Fuentes dahil sa mala­king pagkakahawig nila ng legendary Hollywood actress na binawian ng buhay noong March 23, 2011. Tulad ni Amalia, 79-years-old si Taylor nang pumanaw.

 

 

NAGKASAKIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with