Siguro naman, mahal natin ang lahat ng farmers dahil sila ang tunay na nasa laylayan na ng society tulad ng fishermen natin na sadly, sa kanila nanggagaling ang kinakain natin pero sila ang madalas na walang makain o kulang sa pagkain.
Hindi ko sinasabi na alam ko o nabasa ko ang Senate bill na panukala ni Senator Cynthia Villar pero isang bagay na ayoko ay ang mga nagmamarunong na hindi naman alam ang tunay na isyu.
Parang face value lang ang nabasa ng ilan na hindi naiintindihan na mabuti ang panukala ni Senator Cynthia.
Masyadong violent ang reaction ng ibang tao, using the farmers as the issue.
Hindi ako naniniwala na gugustuhin ni Senator Cynthia na maapi ang mga magsasaka at ang mga mahihirap natin na kababayan.
Kung matalino ang isang pulitiko, alam niya na parang death sentence ‘yon sa kanyang political career.
Bago mag-react, magbasa at himayin na mabuti ang panukala ni Senator Cynthia na para sa kapakanan ng mga magsasaka.
Mahirap kapag gumawa ng isyu at inintriga dahil hindi maiiwasan na may mga tao na mag-aakala na tama ang mga paninira na nababasa, napapanood at naririnig nila.
Walang mawawala kung hihintayin muna ang paliwanag bago mag-speculate nang masama.
We love our farmers, huwag natin silang iligaw at gamitin sa mga isyu na walang katotohanan dahil tulong at hindi sulsol ang kanilang kailangan. Hindi pambubuyo para galitin sila.
Let’s be fair. Who is scared of the Villars? Bakit sunud-sunod ang mga personal na batikos laban sa kanila? Inggit? Envy can kill at siguro naman, hindi gugustuhin ng detractors nila na mamatay sa inggit ‘di ba?
Alden dama ang facial expressions
Gustung-gusto ko ang mga madadrama na eksena sa The Gift dahil hindi pilit at talagang may kirot sa puso.
Ang role pala ni Alden Richards sa The Gift ang bagay sa kanya dahil very soft ang mukha niya.
Kahit hindi magsalita si Alden, madarama agad ng televiewers sa facial expressions niya ang nararamdaman ng karakter na kanyang ginagampanan.
Panoorin ninyo ang The Gift dahil tiyak na susuntok sa inyong mga puso ang mga dramatic scene.
May nagkuwento nga pala sa akin tungkol sa pagpunta ni Alden sa Bulacan. Sa sobrang dami ng mga tao, nawala ang very favorite Holy Rosary bracelet ni Alden na madalas na suot nito.
Maibalik sana ang nawala na Holy Rosary bracelet ni Alden dahil may sentimental value ‘yon sa kanya.
Sina Cristy Fermin at Tita Flory Estrada ang nag-imbita kay Alden sa fiesta sa Bulacan at napatunayan nila na hindi nagbago ang ugali ng star ng The Gift.
Nagtagal si Alden sa Bulacan kaya sulit na sulit ang pagdalaw niya dahil lahat yata ng mga residente ng Bulacan, nagpunta sa farm ni Tita Flory.