Nangangarap si Mark Anthony Fernandez na makagawa pa ng ilang makabuluhang proyekto. Teenager pa lamang nang magsimula sa show business at ngayon ay 40 gulang na ang aktor. “Pakiramdam ko hindi ko pa talaga naabot ‘yung peak ng pagiging artista o bilang aktor ko. Gusto ko pang mas may marating kasi dito naman na ako lumaki. Ito ‘yung pinag-aralan ko,” bungad ni Mark Anthony.
Sobrang sumikat noong dekada nobenta ang grupong Gwapings na kinabibilangan nina Mark, Eric Fructuoso at Jomari Yllana. Kung mabibigyan pa ng pagkakataon ay gustong makagawa ng aktor ng kahit isang pelikulang tatatak sa mga manonood katulad ng namayapang amang si Rudy Fernandez. “Sa tingin ko wala namang age limit. Tapos makikita naman natin, may FPJ (Fernando Poe, Jr.), may Dolphy. So ako, kumbaga, kailangan ko lang, isang magandang proyekto na magugustuhan ng publiko. ‘Yung Gwapings day, oo malakas ‘yung appeal, pero movie-wise, dalawa lang po ‘yung nagawa naming pelikula eh. So sa tingin ko, hindi pa talaga ako nakakagawa ng maraming magagandang projects,” paliwanag ng aktor.
Sa ngayon ay posibleng magbida si Mark Anthony sa isang remake film na pinagbidahan ng kanyang ama noon. “Totoo po ‘yon. Actually, ‘yon ‘yung dapat gagawin namin agad. Pero sinabi ko sandali lang, kasi hindi pa ako ready no’ng time na ‘yon kasi nagpapapayat pa ako. Kaya isinama muna ako ni Boss Vic (del Rosario) sa Miracle in Cell No. 7. So sana pagkatapos no’n ay matuloy na ‘yung isang remake ng Rudy Fernandez movie. Pinakapaborito kong movie ‘yung Lumuhod Ka Sa Lupa. May Markang Bungo rin siya, Bingbong Crisologo,” pagbabahagi ni Mark Anthony.
Albie, in love na in lovesa Miss World Contestant
Isa si Albie Casiño sa mga bida ng pelikulang Ang Henerasyong Sumuko Love na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan kahapon. Sobrang proud ng aktor para sa bagong proyekto na tumatalakay sa buhay ng mga millennial at LGBTQ community. “Personally I really don’t care about other people, understand our generation because wala namang bearing sa amin ‘yon eh. With the gay relationships being open now, I think it’s about time. Why would someone have to hide their sexuality? Why should someone have to hide who they’re dating? I think it’s stupid. We shouldn’t limit other people. We should tell other people what to do with their lives if they’re not hurting anybody else,” paglalahad ni Albie.
Ngayon ay kasintahan ng binata ang Miss World contestant na si Michelle Arceo. Pagdating sa pagmamahal ay talagang todo rin ang naibibigay ni Albie para sa dalaga. “May pagka-romantic din naman ako in real life pero gesture lang. Masyadong masarap magmahal. Marami akong ginagawa. The craziest thing I’ve done for love is nawawala ako sa sarili ko ‘pag mahal ko ‘yung tao,” pagtatapat ng aktor.
(Reports from JCC)