May mga tao na nang-iintriga sa Coffee Project, ang sikat na coffee shop na pag-aari ng Villar family Salve.
Kahit ano pa ang sabihin nila, favorite place ko na ang Coffee Project na malapit sa GMA 7.
Self service sa Coffee Project at dahil nga malakas ang wifi ng coffee shop, madalas na maraming tao kaya natatalo na ang ibang mga kalaban.
Simple lang ang mga pagkain na puwedeng orderin sa Coffee Project pero popular sa lahat ang ambience ng coffee shop na napakaganda ng interior.
Magalang ang staff, mabilis ang serbisyo at masarap ang kape kaya hindi ako makapaniwala sa mga paninira na mataray ang mga empleyado ng Coffee Project at mabagal ang serbisyo nila.
Huwag naman gawin personal ang pagiging owner ng mga Villar sa naturang coffee shop dahil walang kinalaman ang service at lasa ng pagkain.
Maging fair naman tayo. Basta Coffee Project, addict ako dahil all Filipino ito, hindi franchise ng foreign company, Pinoy na Pinoy na iniintriga ng ibang mga Pinoy dahil hindi nila matanggap ang patuloy na paglawak ng market ng coffee shop na brainchild ni Camille Villar na tinalikuran ang pagiging co-host ni Willie Revillame sa game show nito para tumulong sa pamamahala sa negosyo ng kanyang mga magulang.
Rita at Ken happy sa resulta ng Baes
Happy ang cast ng One of the Baes dahil maganda ang feedback sa pilot episode ng kanilang show noong Lunes.
Siyempre, pinakamasaya sa lahat sina Rita Daniela at Ken Chan na lead stars ng One of the Baes.
Hindi lamang masaya ang dalawa dahil malaking karangalan din para sa kanila na makatrabaho ang mga artista na hinahangaan at iginagalang nila, sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Melanie Marquez, Roderick Paulate at Jestoni Alarcon.
Naloloka ang fans kina Tonton at Jestoni dahil parang hindi nagkakaedad ang dalawa. Napansin ko rin sa presscon ng One of the Baes ang kaguwapuhan ni Jestoni.
Parang mga bampira sina Tonton, Jestoni at Amy dahil hanggang ngayon, bagets pa rin ang kanilang mga itsura.
Case closed na ang isyu na kinasangkutan nina Rita, Ken at Alex Gonzaga pero may mga nagmamarunong at nagpipilit na sinadya na paputukin ang kontrobersya para mapag-usapan ang One of the Baes.
Hindi naman ganoon kadesperado sina Rita at Ken dahil sila nga ang ayaw nang magsalita para hindi na lumaki ang isyu.
Nakakatawa lang dahil may mga nagpapanggap na reporter na nag-iimbento ng blind item na walang basehan.
Henerasyong… opening day na
Reminder, ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love, ang youth-oriented movie ng Regal Entertainment Inc.
Forte na ng movie company ni Mother Lily Monteverde ang pagpo-produce ng mga critically-acclaimed movie tulad ng Ito Ba Ang Ating Mga Anak kaya must-see ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love.
Garantisado na hindi susuko sa love ang mga nagpaplano na panoorin ang pelikula na tinatampukan nina Tony Labrusca, Jane Oineza, Myrtle Sarrosa at Jerome Ponce.