Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makatrabaho ni Judy Ann Santos sa isang proyekto si Claudine Barretto. Aminado ang young superstar na matagal na niyang pinapangarap na makasama sa isang pelikula ang aktres. “Posibleng-posible naman. Wala naman nang imposible sa panahon ngayon at lagi ko nga sinasabi na I’m looking forward to work with Claudine, totoo ‘yan. Ilang years ko na sinasabi na sana, at some point makagawa kami ng pelikula ni Clau. Kasi it would be really nice to work with her,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.
Matagal na ring napababalita ang tungkol sa reunion movie ng aktres at dating katambal na si Piolo Pascual.
Ayon kay Juday ay siya ang dahilan kung bakit hindi pa rin natutuloy ang muli nilang pagtatambal ng aktor. “Wala pa ‘yung last time na sinabi ko. Mayroong kasing na-offer pero hindi natuloy. Hindi kami magkasundo with so many things, with the story. May story naman na ino-offer, ngayon lang walang nag-o-offer sa amin.
“So ‘yon nga ‘yung sinabi ko before, it’s very critical for a Juday-Piolo reunion project. Kasi it should be very well thought of. At the same time ‘pag nabasa mo ‘yung material, hindi mo naman dapat i-dictate kung sino ang leading man eh. Alam mo dapat kung sino ang dapat na gaganap doon. Siyempre habang lalong tumatagal na hindi kami gumagawa ng project, mas nando’n ‘yung pressure to find a story that’s worth watching because ang tagal eh. So hintay lang but habang wala pa, focus muna sa ibang bagay,” paliwanag ni Juday.
Kaya pumayat, Regine tumigil na sa paggamit ng steroids
Sa October 18 at 19 na gaganapin ang Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa Araneta Coliseum. Ngayon pa lamang ay sobrang excited na raw ang Asia’s Songbird na makasama ang Megastar sa isang malaking concert. “Siyempre excited ako bilang alam n’yo naman na Sharonian ako. I’m also excited for the repertoire na inihanda namin for everyone,” bungad ni Regine.
Kapansin-pansin ngayon ang pagpayat ng singer dahil talagang pinaghahandaan daw nito ang nalalapit na concert. “Kasi tuwing magko-concert, I really need to be fit. Siyempre kasi mahirap mag-concert, kaya lang unfortunately kapag nagko-concert ako, dati kasi wala pa akong ASAP, hindi pa ako kumanta, once a year lang ako kumakanta para mag-concert so nahihirapan ‘yung boses ko. So after lagi akong tumataba kasi nag-steroids ako. Eh ngayon hindi ko na kailangan mag-steroids kasi kakanta ako nang kakanta, wala na siyang choice. Kasi every Sunday I get to sing” nakangiting pagtatapos niya.
(Reports from JCC)