Rochelle Barrameda hihingi ng tulong

SEEN: Magkasama na dumating si Kim Molina at ang kanyang boyfriend na si Jerald Napoles sa victory party ng Jowable sa Megamall branch ng Wing Zone noong Lunes. Maligayang-maligaya si Jerald para kay Kim dahil sa success ng launching movie nito. Dalawang pelikula na siya ang bida ang gagawin ni Kim  para sa Viva Films dahil sa tagumpay sa takilya ng Jowable.

SCENE: Sunod-sunod ang blockbuster movies ng Viva Films na inumpisahan ng Just A Stranger, Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, Jowable at ng Hollywood movie na Angel Has Fallen na ni-release sa Pilipinas ng Viva International Pictures. Trending naman sa Netflix ang This I5 Me, ang 15th anniversary concert ni Sarah Geronimo. Ang Unforgettable na pinagbibidahan ni Sarah ang next movie offering ng Viva Films. Magbubukas sa mga sinehan sa October 23 ang Unforgettable at susundan ito ng Nightshift, ang Halloween presentation nila na may playdate sa October 31.

SEEN: Mauuna na magbukas sa mga sinehan sa October 30 ang Hellcome Home ng Star Cinema.  Lead stars ng Hellcome Home sina Dennis Trillo, Alyssa Muhlach at Beauty Gonzales. Si Bobby Bonifacio, Jr. ang direktor ng unang pelikula ni Dennis sa Star Cinema.

SCENE: Hinihingi ng pamilya ni Rochelle Barrameda ang tulong ni President Rodrigo Duterte para mabigyan ng hustisya ang pagpaslang sa kanyang kapatid na si Ruby Rose na isinilid sa steel drum ang katawan noong March 2007. Pinawalang-sala ng korte ang mga akusado sa pagpatay sa kapatid niya.

SEEN: Matagal nang nawawala mula pa noong March 2013 at hindi na makita si Manuel Montero, ang akusado na saksi sa pagpaslang kay Ruby Rose Barrameda. Si Montero ang nagsabi na may kinalaman sa krimen ang biyenan at asawa ni Ruby Rose pero binawi rin niya ang kanyang salaysay. Si Montero ang nagturo sa police authorities ng pinagtapunan sa steel drum na naglalaman sa bangkay ni Ruby Rose. Hindi natapos ni Montero ang testimonya sa korte dahil naglaho na siya.

Show comments