Gladys nakitaan ng husay sina Arra at Thea

Arra, Thea

Kasali si Gladys Reyes sa cast ng Madrasta kaya natutuwa ako na patuloy ang pagsama niya sa mga bagong star sa mga project ng GMA 7.

Actually, si Gladys ang unang nagsabi sa akin tungkol sa potensyal ni Thea Tolentino bilang mahusay na artista at ngayon naman, si Arra San Agustin ang pinupuri niya.

Bongga dahil marami ang young stars ang parang nag-workshop kay Gladys na primera kontrabida kung tutuusin.

Kahit anong klase ng role, puwedeng gampanan ni Gladys pero hindi maaalis ang tatak kontrabida niya na madalas na  hinahanap sa kanya.

Pero mas nakakatuwa si Gladys kapag funny kontrabida ang role niya gaya sa Inday Will Always Love You dahil talagang nakakatawa siya.

Exciting to watch ang Madrasta sa October 7 dahil may Gladys na, may Thea, Arra at  Juancho Trivino pa.

Nanay ng karakter ni Juancho Trivino sa Madrasta ang role ni Gladys.

Sosyal ang role ni Gladys dahil doktora siya kaya magaganda ang mga outfit at accessories niya.

For a change, mahigpit pero mapagmahal na ina ang karakter ni Gladys sa Madrasta na mula sa direksyon ni Monti Parungao.

Alden hindi nagbabago

Ang pagpunta ni Alden Richards sa Bulacan sa invitation ni Mama Flory Estrada ang isang patunay na hindi talaga nagbago ang ugali niya.

Sobrang busy ni Alden, halos araw-araw ang kanyang trabaho pero nagawa pa rin niya na isingit sa busy schedule  ang  pagpunta sa Bulacan fiesta.

Isa rin itong patunay na hindi nalilimutan ni Alden ang mga tumulong na taga-showbiz sa kanya dahil unang pinagbigyan niya  si Cristy Fermin nang imbitahin siya nito para sa fiesta sa bayan ni Mama Flory.

Hindi nagbabago ang ugali ni Alden kaya naman nananatili siya na  mahal ng mga tao na tumulong sa kanya.

Malaking factor din sina Tenten at Sam na laging nagpapaalala kay Alden sa mga gagawin nito. Tulung-tulong sila sa patuloy na tagumpay ni Alden na the gift talaga sa lahat.

Jessica, Kara at Atom naging eye opener!

Nanonood ako ng mga television show nina Jessica Soho, Kara David at Atom Araullo sa GMA 7 kaya nagtataka ako dahil ang mga lugar na pinupuntahan nila, walang kuryente, hindi maganda ang supply ng tubig, malalayo ang mga school at kulang sa medical facility.

Bakit napupuntahan ng mga television crew ang mga lugar ng ating mahihirap na kababayan at nakikita nila ang mga problema pero hindi sila nararating ng gob­yerno natin? Hindi ba sila mga botante? Wala ba silang karapatan sa tulong at progreso?

So sad talaga dahil hindi ko maintindihan na sa panahon ngayon ng Internet at social media, may mga ganoong lugar pa rin sa Pilipinas,walang ilaw, walang potable water, walang hospital at grabe ang tinitiis ng mga bata para makapasok at makapag-aral sila sa school.

Don’t tell me na walang mayor, konsehal, o sinumang pulitiko na representative ng mga mahihirap na bayan at lugar.

Mabuti na lang, may mga programa sina Jessica, Kara at Atom na eye-opener. At least, nakikita at nalalaman natin ang  mga nangyayari sa mga lugar na parang napakalayo sa sibilisasyon. Tulungan natin sila, mga Pilipino rin sila, taga-Pilipinas din sila.

 

Show comments