Kakatuwa naman na pumayag pa ang mag-asawang Jason at Melai Francisco na lumabas sa Magandang Buhay para sa selebrasyon ng kanilang ika-10 years of marriage na sana ay hindi makaapekto pa sa kanilang pagsasama na minsan pala ay umabot na sa paghihiwalay. Masuwerte sila at nagawan nila ng paraan para sila ay magkabalikan. Obvious na hindi pa sila completely healed sa kung anuman ang naging problema nila. Hindi naman sila ganun kagaling na artista para maitago ng lubos ang kanilang nararamdaman pa sa ngayon, lalo na si Jason.
May mga kumawala sa bibig nito na hindi niya mapigil, at maging sa ina ni Melai na kasama ring nag-guest sa show ay nagbigay ng ilang hindi magandang detalye sa pinagdaanan ng mag-asawa pero, lumabas at tiyak pagpipistahan ng manonood.
Sana nga ay tuluyang magamot ng mag-asawa sa tulong ng kanilang mga anak ang kung anumang problema ang pinagdaraanan ng kanilang relasyon at ma-heal sila completely.
KapareWho nakaka-excite ‘pag may artistang naghahanap ng ka-date
Patok yung KapareWho, isang dating game segment ng It’s Showtime, na kung saan ay isa si Tony Labrusca sa nagbakasakali para mapiling ka-date ng dalawang magaganda at matalinong babae na naghahanap ng bagong kaibigan at makaka-date.
Bukod kay Tony ay pawang mga mula rin sa local entertainment ang dalawa niyang nakasamang maghanap ng date, isa ay anak ni Epi Quizon at ang ikalawa ay kapatid naman ni Aga Muhlach. Sana ganun lagi ang nakukuhang mga participant dahil nagiging mas exciting ang dating game. Sana huwag naman masyadong oldie ang mga kinukuha para sa nasabing portion, para ma-enjoy pa at kiligin ang manonood ng show, lalo na ngayong tapos na ang Tawag ng Tanghalan na malaki at maraming oras ang kinakain sa It’s Showtime.
Di ba bawal? Baby super atungal sa panonood ng Panti...
Watched The Panti Sisters for the second time at natawa pa rin ako sa mga eksenang kinagiliwan ko sa unang panonood ko ng movie. Isang yaya lang at agad akong umoo sa unang imbitasyon ng anak ko at ng kanyang asawa na samahan silang panoorin ang pelikula.
Marami pa ring tao sa loob ng sinehan pero, ang panonood ng lahat ay pinukaw nang iyak ng isang bata na kung hindi sanggol ay lubhang bata pa para papasukin sa loob na bawal ang mga wala pang pitong taong gulang. Hindi ba regulasyon ito? Bakit sila nakapasok? At bakit wala man lamang usher na lumapit para mapigil ang pag-iyak/pag-iingay ng bata? ‘Yung mga manonood ay nababahala na at naiingayan.
Paano ito napayagan na mangyari sa isang mall sa Quezon City nung Saturday, September 29, 7:55 PM?
Willie may pa-BI sa babalik na co-hosts
Umabot pala sa P65-M ang nagastos ni Willie Revillame para sa renovation ng isang istudyo sa GMA Network Center na gagamitin para sa programa niyang Wowowin. Nadagdagan ang gastos dahil hindi lamang ang renovation ang ginastusan, bumili pa sila ng mga bagong equipment tulad ng robotic cameras at mga led light na inilagay sa floor at mga walls.
Sa bagong istudyo, sinabi ng host ng game show ng GMA na may mga dating host ang nagpasabing gusto nilang bumalik ng Wowowin at baka tanggapin niya pero, hindi niya sila pinangalanan.