MANILA, Philippines — Ang bente anyos na si Elaine Duran ng Butuan City, Agusan del Norte ang nagwagi bilang pinakabago at ikatlong grand champion ng Tawag ng Tanghalan sa grand finals ng pinakamalaking singing competition sa bansa sa It’s Showtime noong Sabado (Setyembre 28).
Sinelyuhan ni Elaine ang panalo niya sa huling round kung saan inawit niya ang isang medley ng mga kanta ni Basil Valdez na Saan Ka Man Naroroon, Sana ay Ikaw na Nga, at Ngayon at Kailanman. Dahil dito, siya ang nakakuha ng pinakamataas na combined average score na 41.18% mula sa madlang people votes at hurado scores.
Bilang ang pinakabagong Tawag ng Tanghalan grand champion, instant yaman na si Elaine.
Bago pa man ang grand finals, gumawa na ng kasaysayan sa Elaine sa noontime singing competition nang tanghalin siyang kauna-unahang TNT record holder, isang contestant na naging defending champion sa sampung sunod-sunod na araw.