Nag-trending worldwide ang grand finals ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime kahapon na nasa season three.
So far, ito ang pinakamagandang line-up ng finalists, pero magagaling talaga ang top three na sina Elaine Duran, John Mark Saga at John Michael dela Cerna.
Pero si Elaine ng Mindanao ang nagwaging grand champion, kaya lang naging paborito ng audience si John Mark Saga.
Lalo siyang minahal ng mga tao nang doon siya nag-out nang tunay niyang naramdaman sa kanyang sarili.
Naka-black gown siya at sa unang round ay kinanta niya ang Huwag na Huwag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal na ibang-iba ang areglo at ramdam na ramdam ang linyang, “ibigay ang kalayaan ko.”
Doon na nga siya nagpahayag ng kalayaan niya, na sabi ni Vice Ganda, noon pa man ay nakikita na raw niya ng may makapal na wall na hindi niya ma-break.
Hindi lang daw niya masabi kay John Mark at baka hindi pa raw ito handa.
Kaya tama lang na ginawa niya iyun sa huling tapatan nila kahapon.
Hindi na pinag-usapan ang tungkol sa kasarian niya, pero tinanggap siya ng lahat at masaya ang hosts, mga hurado sa ginawa niyang iyun.
“I felt na binigay nila sa akin ang kalayaan. Kaya sobrang saya ko po talaga,” sabi ni John Mark.
Si John Mark nga ang winner ng mga hurado. Natalo lang siya ni Elaine dahil sa boto ng viewers.
Bata pa noon si John Mark ay nakilala na namin nang sumali siya at nanalo rin sa singing competition namin sa DZRH.
Kaya proud kami sa ginawa niya.
Bukod nga sa hashtag na #TNT3AngHulingTapatan, nag-trending din si John Mark Saga dahil gustung-gusto siya ng mga netizen.
Congratulations sa lahat na nagwagi, at nakikita na naming mas may mararating ang tatlong winners kesa mga winners nung first at second season.
Ruru umaming hindi nawawala ang pagmamahal kay Gabbi
Hindi itinatanggi ni Ruru Madrid na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang unang naka-loveteam niyang si Gabbi Garcia.
Nakatsikahan namin ang Kapuso hunk singer/actor nung nakaraang linggo para sa pelikula niyang Cara X Jagger ng APT at Cignal Entertainment na magsu-showing pa sa November 6.
Natanong namin kay Ruru ang tungkol sa kanila ni Gabbi na sinasabi niyang masaya siya at okay na okay pa rin sila ng dati niyang ka-loveteam.
Kaya tinanong namin siya na minsan ba ay minahal niya si Gabbi.
“Sobra! Hindi lang minsan,” mabilis na sagot ni Ruru.
Dagdag pa niyang pahayag; “For me, ang masasabi ko sa kanya yung pagmamahal ko is constant love. Kahit ano pa ang mangyari…alam mo yung kahit magkaroon pa siya ng asawa’t anak, never na mawawala yung love na yun.
“Kasi parehas kaming nagtutulungan when it comes to career. When it comes to work. When it comes to our loveteam. Parehas kaming nagtulungan. Kung wala yung loveteam namin, hindi rin kami makarating sa kung ano man yung estado namin.”
Kaya open daw siya sa posibilidad na magsama sila uli sa isang magandang project, drama series man o pelikula.
Masaya raw siya ngayon dahil okay na okay sila ni Gabbi, at tuloy pa rin ang komunikasyon nilang dalawa. “Sobrang happy ako na parehas kaming nag-grow. Kasi sometimes sa loveteam may nangyayari na yung isa umaangat, pero yung isa naiiwan. Pero sa aming dalawa, magkaiba yung way na tinahak namin eh. Ako mas nag-focus ako sa career na parang mas gusto ko mag-explore sa mas malalalim pa na roles. ,” pahayag ni Ruru.
Natutuwa si Ruru dahil sa kanya raw ipinagkatiwala itong pelikulang Cara X Jagger na kung saan si Jasmine Curtis Smith ang ka-partner niya.
Dito rin daw sa pelikulang ito nabuo ang magandang friendship nilang dalawa.
“Masasabi ko na hindi lang siya kaibigan na showbiz. Hindi siya showbiz friend, masasabi ko na kaibigan ko siya pagdating sa buhay kasi kapag may problema ako minsan siya ang tinatakbuhan ko, siya yung nagsasabi sa akin…kasi si Jasmine she’s very independent. Like, na-experience niya ang halos lahat na mga bagay na hindi ko pa naranasan. So, alam na niya kung paano i-handle yung mga ganung sitwasyon. Siya ang nagsasabi sa akin kung paano gagawin,” saad ni Ruru.
Ken at Rita nahirapan sa pagpapakalma sa clashers
Nagsimula na ang round one ng The Clash kagabi, at sa unang round pa lang matindi na ang labanan at may nahihimatay na.
Diyan daw nahirapan ang Journey hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela, dahil sila raw ang nagpapakalma sa clashers.
“Siyempre, naintindihan ko yung nararamdaman nila. Pero mahirap din sila pakalmahin kasi matindi ang mga nakakalaban nila sa kantahan. Kaya ang iba hindi kinakaya, nahihimatay,” pakli ni Ken.
Yung episode na mapapanood mamayang gabi ay naantala pa ang taping niyan dahil sa isang clasher na in-attend pa ng medics dahil nag-iba na ang pakiramdam nito at muntik-muntikan nang himatayin.
Abangan mamayang gabi ang unang salpukan ng mga clashers dito sa second season ng The Clash.