Nabago ang casts ng Viva Films entry sa 2019 Metro Manila Film Festival na Miracle In Cell No 7 dahil sa nakita naming BTS ng shooting, sina Soliman Cruz, JC Santos, Mon Confiado, at Joel Torre na ang andun. Wala sina John Arcilla, Ronnie Lazaro at Mark Anthony Fernandez.
Wala na rin si Janno Gibbs na isa sa original cast na nabanggit ni Mr. Vic del Rosario nang minsang makita namin sa Viva Films office.
Ano kaya ang nangyari at nawala sa cast si Janno na excited pa naman to work with Aga? Ang nakita rin naming kasama ng cast ay si director Nuel Naval.
Naalala namin ang nabanggit ni Boss Vic na kung nakakaiyak ang original Korean movie, doble at baka triple pang nakakaiyak ang Philippine adaptation ng Miracle In Cell No 7, kaya magdala ng panyo kapag pinanood sa MMFF ang movie.
Thea naglabas ng inis sa fans na mahilig mag-video ng patago
Nag-agree ang mga nakabasa sa tweet ni Thea Tolentino na may kinalaman sa taping ng Madrasta. “Sana considerate ang mga tao na nakapaligid sa amin kapag nagtatrabaho kami sa taping na huwag videohan o picturan ang eksena na ginagawa namin lalo na kung hindi pa umeere, tapos iuupload online. Pinagpaguran namin ang bawat eksena kaya sana naman mabigyan iyon ng respeto,” pakiusap ni Thea.
Tama naman si Thea dahil napi-preempt ang mga eksena ng Madrasta hindi pa man airing dahil sa October 7 pa ang pilot ng Afternoon Prime ng GMA-7. Nababawasan kahit papaano ang interes ng netizens na nauunang mapanood online ang mga eksenang pinagpupuyatan at pinagpapaguran ng buong production.
Kontrabida uli si Thea sa Madrasta, may asawa at mga anak at pahihirapan nito si Arra San Agustin na ilo-launch sa pagiging dramatic actress sa drama series.
Sabi, malakas ang presence ni Thea kahit hindi magsalita at tumayo lang.
Tingnan nga natin kung makakasabay sa kanya si Arra na inaming sobrang challenge siya sa Madrasta dahil launching project niya, mahirap ang role niya at mahuhusay ang mga artistang kasama.
Maine tatapak sa teretoryo ng Dos
Sa Monday, 6PM, sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma ang mediacon ng pelikulang Isa Pa With Feelings na tampok sina Carlo Aquino at Maine Mendoza sa direction ni Prime Cruz. Silang tatlo rin ang present sa presscon ng movie na co-produced ng APT Entertainment at Blacksheep Productions.
Sa October 16, ang playdate ng Isa Pa With Feelings na nababasa naming marami ng naka-schedule na block screenings organized by the fans of Maine.
Wala namang tina-target na box-office gross ang supporters ni Maine, but for sure, gagawin nila ang lahat na maging box-office ang movie nina Maine at Carlo.
Nagustuhan ng moviegoers ang teaser ng movie at gustong agad malaman kung paano magtatapos ang pelikula. Ang nasabi ring pelikula ang rason kung bakit lagare sa shooting si Maine dahil kailangang tapusin din ang 2019 MMFF entry na Mission Unstapabol: The Don Identity.
Ricky naiinis na rin sa karakter ni Winwyn!
Aabot sa 20 weeks ang airing ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Dahil sa Pag-ibig na tampok sina Sanya Lopez, Pancho Magno at Benjamin Alves.
Nalaman namin ang tungkol dito sa director ng drama series na si Ricky Davao na tuwang-tuwa sa kanyang cast.
Sa kwento ni direk Ricky, pati sya naiinis sa karakter ni Winwyn Marquez na si Portia na ubod ng sama.
Hintayin na lang daw ang ending ng Dahil sa Pag-ibig na magtatapos sa October 4.