SEEN: Si Elaine Duran ng Mindanao ang grand champion ng Year 3 ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime na ginanap kahapon. Isang milyong piso at house and lot ang ilan sa mga premyo na natanggap ni Elaine. Second runner- up si John Mark Saga ng Luzon at third placer si John Michael Dela Cerna ng Mindanao.
SCENE: Mas mataas na score ang ibinigay ng Tawag ng Tanghalan hurados kay John Mark Saga kesa kay Elaine Duran pero ito ang nakakuha ng pinakamataas na text votes mula sa televiewers. Pinaghihinalaan na hindi sinuportahan si John Mark ng televiewers dahil nabugnot sila sa damit na ipinasuot sa kanya ng stylist ng It’s Showtime.
SEEN: Bida kontrabida ang role ni Judy Ann Santos sa Starla. Malaking hamon para kay Judy Ann ang gumanap na kontrabida at tiyak na maninibago ang mga tao dahil siya naman ang nang-aapi sa Starla. Nagkaroon ng special screening kahapon ang Starla sa Matrix events place. Inamin ni Judy Ann na nanibago ito sa unang limang araw ng taping ng Starla dahil limang taon na ang nakalilipas mula nang magbida siya sa Huwag Ka Lang Mawawala, ang 2013 drama series ng ABS-CBN.
SCENE: Ang child actress na si Jana Agoncillo, hindi si Judy Ann Santos ang gumaganap na Starla. May special participation sa Starla si Charo Santos-Concio bilang Lola Tala.
SEEN: Mula sa combined words na star at tala ang pamagat na Starla. Mga direktor ng Starla sina Onat Diaz, Darnel Villaflor at Jerome Pobocan.