Park Seo Joon at Jung Hae In nasa bansa
Korean superstars tinataob ang local idol, datung ng Pinoy fans inuubos!
Sabay dumating sa Manila kahapon ng 11:00 a.m ang Korean superstars na sina Park Seo Joon and Jung Hae In para sa kanilang fan meeting!
Kaya sabog ang social media sa kanilang pagdating sa bansa. Lahat aligaga at natataranta.
Bukod pa sa gumastos sila para makabili ng ticket para sa fan meeting.
Si Jung Hae In, tonight ang fan meeting sa New Frontier Theater, Cubao, habang si Park Seo Joon ay bukas ng gabi sa MOA.
In all fairness, hindi cheap ang ticket prizes ng mga ganitong fan meeting. Pinaka-mahal ay more than P10,000, at ang cheapest ay 4,000.
Kaya talagang pinagkakagastusan ito ng Pinoy fans.
At ang kawawa, ang mga local idol natin na nakukuntento na ata sa career sa social media.
Alarming na kung tutuusin ang mga pangyayari. Mas inuuna na ngayon ng maraming fans ang mga Korean actor / oppa kesa sa panonood ng mga pelikulang Tagalog. Kaya ang ending, malungkot sa box office ang marami nating pelikula.
Actually, ang mga K drama rin ngayon ang kalaban ng local TV shows na inirereklamo naman ng maraming fans na sobrang dami na raw kasi ng commercial kaya naiinip na sila sa pinapanood. Nasira na raw momentum nila bago pumasok ang susunod na eksena.
Anyway, sana nga ‘wag namang tuluyang ma-penetrate ng Koreans ang showbiz fans natin.
- Latest