^

PSN Showbiz

Willie ginastusan ng P65-m ang bagong studio

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Willie ginastusan ng P65-m ang bagong studio
Willie

SEEN: Ang kuwento ni Ruru Madrid na hindi sinasadya na nahawakan ni Jasmine Curtis Smith ang kanyang “harapan” sa isang eksena nila sa Cara X Jagger, ang pelikula ng APT Entertainment Inc. na ipalalabas sa mga sinehan sa November 6, 2019. Sinabi ni Ruru na napangiti si Jasmine sa nangyari. Ang Cara X Jagger ang unang mainstream movie nina Jasmine at Ruru na sila ang lead actors.

SCENE: Sa bilang ni Jasmine Curtis, naka-isang linggo na siya ng taping para sa mga eksena niya sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun pero pahinga muna sila sa trabaho dahil nagpunta sa ibang bansa si Dingdong Dantes na bida sa local adaptation ng DOTS.

SEEN: Opisyal na ipakikilala ngayon ng ABS-CBN ang cast ng Starla, ang primetime show ni Judy Ann Santos na ipapalit sa The General’s Daughter.

SCENE: Nagpapasalamat si Kim Molina at ang cast ng #Jowable dahil tinatangkilik ng publiko ang kanilang pelikula. Mahigit sa 11 million na ang box-office gross ng #Jowable sa dalawang araw na showing nito.

SEEN: Si Sugar Mercado ang former co-host ng Wowowin na hinuhulaan na magbabalik sa top-rating game show ni Willie Revillame sa GMA-7. Nagpaa­lam noon si Sugar sa Wo­wowin para mag-focus sa pag-aalaga sa kanyang mga anak. Single parent si Sugar. Kahapon naman ang taping ng Wowowin sa newly-renovated studio ng show sa GMA Network annex building na ginastusan ng P65-M ni Willie para sa state-of-the-art studio ng kanyang programa.

SCENE: Masuwerte si Jane Oineza dahil pinapirma siya ng Regal Entertainment Inc. ng movie contract. Isa si Jane sa mga bida ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love na showing sa October 2, 2019.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME AND LIZ ALMORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with