^

PSN Showbiz

‘Hindi ko sinisiraan si Alex’ Source sumumpa, Alex dinedma talaga sina Rita at Ken

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
‘Hindi ko sinisiraan si Alex’ Source sumumpa, Alex dinedma talaga sina Rita at Ken

Sumusumpa ang source ko na totoo ang pangyayari na pangdededma ni Alex Gonzaga kina Rita Daniela at Ken Chan nang magkita-kita sila sa isang airport sa Mindanao.

Hindi ko sinisiraan si Alex. Actually, sina Rita at Ken nga ang gusto kong pagalitan dahil for me, you treat yourself better para hindi ka ma-snob.

Very demeaning na gawin ng isang kapwa mo artista ang ginawa sa kanila ni Alex pero karapatan nito kung ayaw niya na makipagtsika.

Hindi ko naman sinasabi na dapat feeling big stars din sina Rita at Ken pero sa mga ganoon na pagkakataon, dapat isipin ng dalawa na dala nila ang bandera ng GMA-7 at para sa isang ABS-CBN star na umasta nang ganoon, parang ‘you feel we are smaller’ ang dating.

Tama rin ang reaksyon ng iba na parang mas affected ako. Why not? For me, parang neighbors na dapat mabait sa isa’t isa ang trato nila.

Na kapag magkakasabay o nagkikita-kita sila sa isang lugar, pare-pareho sila na mga representative ng showbiz, walang mataas o mababa, walang mas sikat o baguhan.

Si Coco Martin, kahit saan makakita ng taga-showbiz, kahit hindi niya kilala, binabati niya. Ipinapakita ni Coco sa mga tao na iisang mundo silang lahat na artista, walang ABS-CBN o GMA-7 stars at ito ang lang ang hinahanap ko kay Alex.

At kung totoo nga na hindi nangyari ang insidente tulad ng claim ni Alex, mas mabuti dahil at least, na-clear niya ang isyu.

Pero sumusumpa ang source ko na kayang-kaya niya na humarap kay Alex para patotohanan ang eksena na kanyang nasaksihan.

Kyline at Migo hinog na hinog na

Sayang, hindi ako nakapunta sa presscon ng Black Lipstick na ipinag-imbita ni Lito Manago.

First bida role nina Kyline Alcantara at Migo Adecer sa pelikula ang Black Lipstick na exciting ang premise ng story.

Matagal nang hanga ang marami sa acting prowess ni Kyline na napapanood sa mga soap opera na tinampukan niya. Napansin naman ang acting ni Migo sa Sahaya dahil sa kakaiba na pag-atake sa role na ginampanan niya.

Matagal na dapat na ipinalabas sa mga sinehan ang Black Lipstick pero hinanapan ito ng magandang playdate kaya medyo na-delay pero tama lang dahil hinog na hinog na sina Kyline at Migo bilang lead characters.

Watch natin ang Black Lipstick sa October 9 para happy si Lito dahil love niya sina Kyline at Migo.

Binyag ng anak ni Cong. Lord sosyal ang giveaways, may pa-lucky money pa

Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko noong Linggo, talagang pupunta ako sa binyag ni Sara Kristina, ang youngest daughter nina Congressman Lord Allan at Wen Velasco.

Imagine ang honor to be invited at talagang panay ang follow-up ni Chi Atienza-Valdepenas sa akin dahil gusto nga niya na ipakilala kami kay Lord at Wen Velasco.

Isinara ang grand ballroom ng Shangri-La Makati dahil sa rami ng invited guests sa binyag ni baby Sara.

Sosyal ang giveaways na Jo Malone candles at lucky envelope from Sara’s parents para sa good lucky days ahead.

Wow, lucky baby Sara dahil sabi ko nga parang senate at congress hearing ang mga pangalan ng ninong at ninang niya na nasa top level ang ranking.

Kung hindi dahil kay Chi na very good friend ni Wen, hindi siguro kami mai-invite. Thank you sa mga Atienza na talagang mahal kami nina Ricky at Jojo. Thank you kay Lord at Wen Velasco, very grateful talaga ako.

ALEX GONZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with